11:11

0 14
Avatar for Jac0bus
3 years ago

Sa tuwing tayo'y nakakakita ng ganitong numero sa kahit saang sulok ng lugar o maging sa orasan lamang. Ano ang siyang pumapaloob sa iyong isipan?

Ito nga ba'y nagpapahiwatig ng isang magandang mangyayari sa iyong buhay? 

Base sa aking pananaliksik, ito ay inilalahad ang iyong pagiging positibo sa anumang uri ng iyong sitwasyon. Senyales din ito na may magbubukas ng pinto sa buhay mo o taong nakatakda na darating sa iyong buhay, at mayroon siyang papel na gagampanan.

Ipinapahiwatig din nito na mayroon kang layunin sa mundong ibabaw. At marahil, mayroon kang dapat baguhin sa iyong buhay.

Maaari ring makikilala mo ang iyong twin flames na siyang tutulong sa'yo upang itaas ang iyong espiritualidad. At ipapakita niya sa'yo mismo kung ano ang tunay na halaga ng buhay.

1
$ 0.00
Sponsors of Jac0bus
empty
empty
empty

Comments