Childhood Memories part 1
Sa buhay ng tao, may mga alaala na ang sarap balik balikan. Mga alaala na nagbibigay ng kasiyahan sa tuwing dumadaan sa ating isipan. Alaalang mananatiling alaala na lang. Sa araw na to, gustong balikan ang mga alaala na nagdaan. Mga alaalang ang sarap balikan. Magsimula tayo ng ako'y nasa unang baitang pa lamang. Sa taong ito, ang daming pangyayari. Unang araw ng pasukan hinding hindi ko to malilimutan. Dahil umiyak at nainis ako sa araw na to. Ikaw ba naman ang mabato ng basahan sa unang araw pa lang. Sigurado ako ganun din ang mararamdaman nyo. Syempre unang araw, bagong uniporme tas lalandingan ng basahan??! Kainis di ba??? Pinalinis kasi kami agad ng classroom kaya punas dito, punas doon. Pero itong isa kung kaklase, gawing ba naman bola yung basahan? ! Three points!Kaya lang sakin na shoot! Kaya ayun iyak agad ako. Syempre bata pa. Grade one. Mahina. Magulang ang inaasahan. Simula nun, mainit na ang dugo ko sa kaklase kung yun. Kaya pagwala si teacher at ako ang naatasan magbantay sa mga kaklase mo, inaabangan kong mag ingay ang isang yun...tapos kuha ng stick at palo sa kanya. Hahahaπ sama ko no?? Sorna. Pwede pa nun ang corporal punishment kaya palo lang ako ng palo, yung feeling teacher lang... Hahahaππ. Pero infairness dun sa classmate ko na yun, titingnan nya lang ako ng masama tapos tatawa. Tas mag gugulo ulit. At syempre palo ulit. ππ Masyado na atang mahaba to. Sa susunod na lang yung kasunod ng kwento kung to. Like and subscribe po.π thanks!!
13 comments
oopps hmmm mukhang mahaba haba to ah hahaha diary na ba to
Hahahaπ papunta na po yan sa nobela, actually. Hindi nyo po binaso no?? Hahahaπππ
oo hahaha
ahahaha natatawa ako habang nag babasa kasi karamihan sa nakasulat eh nakakarelate din ako! ganun yung buhay namin dati talaga
Hahaha good to hear na may nakakarelatr sakinπ
nag flashback tuloy lahat ng memories ko ng kabataan ko pa.Sarap sa feeling balikan yung masasayang araw na bata pa tayo.Walang iniisip na mga problema.Laro lang lagi ang nasa isip.
Masayang balikan ang masasayang alaala. Dapat always happy thoughts lang nasa utak natin para less stress especially ngayon.
I have noticed, not only you, decide to make your topic in English and leave the rest in other languages. The same way you tried to let your topic be presented in English, also let your content be in English so we can understand
Sorry for that. I forgot that this community is in other country. My bad. Sorry. I've so many communities and totally forgot which one is for my country. I'm really sorry hope you'll understand. Don't worry next time I'll make sure to post articles in communities base on my language I've made as an article. I am really realy sorry.
Hahaha.. nakakatuwa di ba? Ang sarap balikan ng kabataan natin... Lalo na kun batang 90's ka . Masasabi ko na swerte ako kc batang 90's ako at naranasan ko kung panu maglaro at pag pawisan. Haha wala lang share lang dinπ π Batang 90's ka din ba? Pasok ka sa community namin batang 90's relate ka dito.. ππ
Oo batang 90's din ako. Don't worry hanapun ko yung community na yun. Thanks!
Okay, so I noticed only your topic was in English, but I'm sure the story that follows would be nice as the title suggests. I understand so I'm just gonna tell you my childhood memory that I'll live to remember, it all started with a game. A new console game. Sega, wasn't much that time but it was the new and trending thing then. I've always gone to cafes to pay to play video games before, but now I had an opportunity to play mine at home. I was so young, hence it was memorable. Nice article nevertheless.
Thank you for commenting on my article. Childhood indeed was the best.