My Everyday Routine
Sa bawat araw na gigising tayo, I'm sure yung iba may mga pinagkakaabalahan. May mga papasok sa trabaho, eskwelahan, magmamaneho, at kung ano ano pa. Pero nabago lahat ng routine natin sa pagdating ng covid-19. I'm sure yung iba nagsasabi "dapat ngayon nasa beach ako", "dapat nagtatravel ako" at kung ano ano pa. Pero dahil nga sa covid, ito tayo... Nakatengga sa bahay. Kain, tulog lang ang peg palagi. Nag iisip ng mga bagay bagay na wala namang katuturan, mapagkakakitaan at kung ano ano pa. Siguro maraming makakarelate sakin. Simula ng covid di na ako lumabas ng bahay, as in. Sa bahay na umikot ang mundo ko sa mahigit dalawang buwan. Kain, nuod ng kdrama, nuod ng kvariety show (running man) magscroll sa facebook at instagram, ligo, kain, tulog, tas minsan uutusan akong magprito ng ulam(since nga yung lang naman ang alam kung gawin sa pagluluto) tas tulog ulit. Ganyan ang araw araw ko sa loob ng dalawang buwan. Kahapon, sa mahigit dalawang buwan, first time ko ulit masilayan ang labas. Nakita ko ulit ang mga kaganapan sa mundo at isa lang ang masasabi ko... Ang Hirap! Kaliwa't kanan makikita mo ang mga taong nakapila. Speechless ako. Nakakawalang gana ulit lumabas. Nakakastress. Sobra! Period.
4 comments
Kaya wag ka na lang lumabas. Sa loob ka na lang ng bahay mag kdrama marathon. Sanaol nakakapag kdrama. Ako kasi asa lang kung may mapadaan na kaibigan tapos makiki copy. Kakatapos ko lang ngang panoorin yung memorist medyo boring pero dahil walang ibang choice napagtiyagaan naman.
Madami ng magaganda na parating kaya magready ka na. Nagsisubalikan na ang mga oppa.
Busy po..everyday..hehe..
Nice