Ang Ating Tahanan
Mundo. Binubuo ng mga tubig, lupa, puno't halaman, mga iba't ibang hayop pati mga tao. Taong bilyon -bilyon ang bilang.
Dito sa mundo nagsasalo - salo ang mga hayop at tao sa pagtamasa ng naibibigay nito. Dito nanggagaling ang ating mga pangunahing pangangailangan. Sa paglipas ng panahon, mundo nati'y unti - unting nasisira dahil sa ating kapabayaan. Polusyon. Ito ang dahilan ng unti - unti nitong pagkasira. Mga usok mula sa sasakyan at pabrika. Maduduming ilog at dagat na puno ng basura. Pagkawala ng mga puno sa mga kabundukan. Lahat ng yan ang patunay na nasisira na ito. Sino ang dahilan? Ako. Ikaw. Sila. TAYO. Tayo ang dahilan ng pagkasira nito. Ang Ozone layer na syang protekta natin sa matinding init ng araw ay unti - unti nabubutas kung kaya tayo ay nakararanas ng pagbabago sa ating klima. Sa pagdating ng pandemic na ating nararanasan ngayon, ang mundo'y unti - unting humihilom. Kalangita'y muling nagkukulay bughaw. Sariwang hangin ating muling nalalanghap. Ang dating kalsada na puno ng mga sasakyan at nagsisikipan ay biglang naging maluwag.
Ngunit, dapat ba natin itong ipagpasalamat? Kung ang bilang ng tao'y unti - unting nababawasan.
Nakakalungkot isipin, na upang gumaling ang ating mundo'y kailangan madaming tao ang lumisan ng walang paalam.
Ito ba ang sagot upang muling maghilom ang ating tahanan? Ang mamaalam? Nasa ating mga tao ang sagot sa katungan iyan. Hindi kailangang may lumisan, hindi kailangan mamaalam sa mahal natin sa buhay. Simulan nating gamutin ang sugat na tayo mismo ang sanhi. DISPLINA. PAGTUTULUNGAN. Kumilos tayo upang sabay sabay nating matamasa ang ganda ng buhay sa paraisong ating tinatawag na TAHANAN.
19 comments
Jabs mukhang magiging magaling kang manunulat ng kwento o tula. yung community natin pakireview para sa manunulat ng storya at tula nalang :) para makasunod kay readcash :)
Salamat sa papuri. Pinag - isipan ko talaga yan ng mabuti. Oo nga pala yung community natin kailangan nating ayusin. Haha
hindi ko lang nirereject kasi di naman nila kasalanan na magbago ng rules si readcash.. more stories at tula pa :)
So focus na lang sa stories at tula yun? Okay copy.
oo jobs at dapat tagalog stories and poems lang haha..
Pa'no ba yun iedit?? Hahha hindi ko alam kung pano. Nag aapprove lang ako basta basta. Tsuri.
haha okay lang yung inapprove naman natin yun nung wala pa ang announcement so i think exempted tayo.. ayoko mawala ang points earned ng ating mga manunulat hehehe
Hello ang ganda ng article mo pero i beg to disagree dun sa last part :((( i mean hindi naman kailangang maraming mamatay para maayos ulit yung mundo. kailangan lang talaga ng pagbabago sa sistema.
Hahaha sorry po. Hehe don't worry aayusin ko po. Thanks!
Hala dont be sorry hahahaha thats just my feedback after reading this nonetheless you are a good writer. keep writing
Please re-read again. I updated it again. Actually I feel bad though at the ending part. Hehe. Thanks for pointing it out. And please give your honest feedback again after reading it. Thanks a lot.
I thinks its better now than earlier. Thank you so much for receiving the feedback in a good and respectful manner, Godbless
Welcome. And thanks for your honest feedback. Really do appreciate it. Gobless too.
Yes true, Nang dahil sa covid19 parang nanumbalik yung mundo natin kaso di pa din nakakatuwa dahil may virus, maraming namamatay maraming nawawalan ng trabaho. Perp pag di tayo nakaranas ng pandemic na ito I'm sure lalala sitwasyon ng mundo natin, grabe yung polusyon ngayon.
May mga tao kasi na walang pagpapahalaga. Iniisip lamang ang pansariling kapakanan.
sis dito nalang ako mag rereply baka gusto mo maging moderator? Nagbasa ako ulit sa update ng read.cash di tayo makakaearn pag hindi featured community yung sinubmitan natin. ahuhuhu. Community po na tula tungkol sa pag-ibig. Ok lang sayo? atleast ten post article pwede nang ma featured yung community as long as pasok sa rules.
Tayo din kasi ang may kasalanan. Kung ano man ang ating naransan ngayon. Ito ay resulta ng ating kapabayaan. Kapag tuluyang nasira ang ating tahanan. Saan tayo pupulutin? Iisa lang ang ating tahanan. Naway pahalagaan.
Tama po kayo. 😊 Salamat po sa upvote😊😁
Welcome 😊