PAPAG Bili na, sa PAPAG ko'y mamili na kayo Lahat ng hinahanap niyo ay nandito Magpagulay man o prutas ay meron ako Ito'y masustansya at pampagana sa relasyon nyo Kumain ka ng papaya kutis Mo'y magiging porselana Tigyawat mong kay pula - pula ay di oobra Sa kutis mong kay ganda-ganda Ang jowa mong tanga ay di na titingin pa sa iba Pag kayo ng asawa Mo'y nagkasagutan Kumain ka nito sa Presyon Mo'y Ito'y panlaban Kamatis pala ang aking pangalan Na sayo'y kakampi at sa asawa Mo'y lalabanan Sa lalamunan mo man Ako'y madulas Kabit ng asawa Mo'y sa akin ay walang ligtas Sa hapag kainan Ako'y iyong ihain Ang lumapit sa asawa Mo'y aking o-okra-yin Pag ang syota mo man ay nagloko Bilhin mo lang ako, pwd aq pamalo sa ulo Para tumino at matuto ng todo Ako pala'y mahaba at maraming buto, ako si upo Relasyon niyo ba'y nanlalamig na at nakakaginaw At ayaw mong ang syota Mo'y sayo bumitaw Bumili ka lang ng aking mahahabang sitaw Pampahaba ng relasyon hanggang mundo'y magunaw Kaya halina kayo mga suki Kong magaganda't gwapo Marami akong produktong makakatulong sainyo Di kayo magsisisi Yun ay aking sinisigurado Kase pagpumalya to panigurado kasalanan ng gobyerno #MgaTula
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
6 comments
Ang sabi mo lahat ay nandyan na Pero sa nakikita ko Ay parang kulang pa Pero ok lng yan kasi Pag inubos mo ay matatagalan pa Sa sobra nitong haba Baka wala ng magbasa
Hahaha oo nga, alam ko kasing tamad ka kea ung Iba hindi ko na sinama😂
Hahaha naugak kaman nantig kaya iyo sana yan ..🤣
Hahahaha sugpuni na..... So kabaliktaran nmn gibohon mo
Hahaha kokontrahon ko palan , ay abo ko baad atyan kaan iwalon mo pa ako ..🤭
Hahahah dae tka mn kokontrahon