read.cash Log in
J@JOYLATONERO more from that month

Meron ako guys sainyo e share, story ito ng isa Kung pupil at ng lola nya, araw araw may nakikita ako na matanda na nakaupo sa bench malapit sa room ko, 11:30 ang uwian ng studynte ko Yun si lola 10:00 am nandoon na sya sa school nagdadala kasi sya ng pananghalian ng apo nya. Kahapon nag linis Yun si lola doon sa school Garden, lahat talaga ng naglilinis binibigyan ko ng biscuit at isang zest-o para sa snack nila, tapos Yun si lola panay ang tanggi nya na huwag ko raw syang bigyan kasi busog sya pero gusto ko talaga syang bigyan sabi ko ibigay nya nalang sa apo nya kaya tinanggap ni lola, tapos kanina ng umaga sabi ko sa mga studynte ko na pwede na sila mag snack nakita ko na yung apo ni lola ang baon nya ay yung binigay ko na biscuit at zest-o, napangiti nalang ako at humanga dun kay lola hindi nya talaga kinain para sa baon in ng apo nya.... Kanina nakita ko na naman Yun si lola at kinausap ko sya about sa apo nya, dun na pag alaman ko na sya na pala ang guardian nung bata kasi ulila na sa magulang...doon ko lang naintindihan Kung bakit non-reader yung Bata kasi wala naman talagang magtuturo sa kanya sa loob ng bahay umaasa lang talaga sa ituturo ng guro...

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.