Classroom decoration ☺️ Ang hirap pagsabayin ang pagtuturo tapos mag aayos ng room, kailangan kasi na mayroong mga pwede mabasa yung mga bata na naka dikit sa Wall ng classroom, dapat din attractive.... Dito kasi sa school na na pasukan ka palaging binibista ng supervisor ang Bawat room ayaw nya na Plain ang loob ng classroom.
@JOYLATONERO in September 2022
Goodevening! Share ko lang yung pa brigada eskwela namin. Nag linis kanina yung mga parents sa school, ang sisipag nila,pati yung mga brgy officials tumulong din... Ang ganda sa paki ramdam kapag yung mga parents ay napaka active nila sa school, at parating tumutulong.... Parati din nila kinakamusta yung anak nila at mismong parents ang nagsasabi na ang kulit ng anak nila kaya Kung kailangan pagalitan, pagalitan daw para matuto......
Magandang gabi po Galing ako kanina sa tesda kinuha ko yung manok na ibinigay nila sa amin na mga nag aral ng poultry , o diba may manok na, libre pa yung pa training nila at may allowance pa.... 5 sila lahat ilanigay ko sila dito sa dating kusina namin..... Yung pusa namin parang may masamang binabalak hahha 🤣 miming masama yan n iniisip mo ah,....
Stress talaga ako sa dalawang nag e-ML na ito 😂, yung asawa ko na mabait lang nung mag jowa pa lang kami, dati pag sabi ko na huwag mag ML hindi talaga sya nag e- ML ngayon na mag asawa na kami Hay hindi na sya sumusunod naglalaro sya hanggat gusto nya Hahahaha..... Tapos na dagdagan pa ngayon ng isa 😅. Goodevening guys😊
Pagod na Pagod ako maghapon, pag public teacher talaga bugbog sa paper works, at maghapon lang nakatayo, isa isang tinitingnan ang mga studynte, saway dito saway doon kaloka naman... Haggard si ma'am 🤣, ma's fresh pa yung parents kaysa sa teacher..
Yung artwork ng studynte ko na kailangan ng focus at deep analization para ma gets yung drawing nya 😂.. Sabi ko mag drawing sila ng mga bagay na nagsisimula sa letrang a, i, n, ang naintindihan ko lang yung ate at ina yung Iba hindi ko gets kaya tinanong ko studynte ko Kung ano Yun ang sabi nya niyog daw, meron syang nakikita na niyog pero ako wala😅
Meron ako guys sainyo e share, story ito ng isa Kung pupil at ng lola nya, araw araw may nakikita ako na matanda na nakaupo sa bench malapit sa room ko, 11:30 ang uwian ng studynte ko Yun si lola 10:00 am nandoon na sya sa school nagdadala kasi sya ng pananghalian ng apo nya. Kahapon nag linis Yun si lola doon sa school Garden, lahat talaga ng naglilinis binibigyan ko ng biscuit at isang zest-o para sa snack nila, tapos Yun si lola panay ang tanggi nya na huwag ko raw syang…
Goodmorning guys☺️ Nanghuli pala kami ng hipon, hindi ko alam Kung anong tawag nito sainyo pero dito sa amin hipon ang tawag nyan.. Maliliit lang sila at sa fresh water namin nyan hinuli, doon sa fish pond namin, hindi nga namin alam Kung bakit nagkaroon kami ng alaga na ganyan kasi isda lang naman yung linagay namin doon, palaisipan sa amin pero thankful kami kasi blessing ito.
Yung tipong hirap na Hirap na sa buhay yung amo nya pero sya pa itlog itlog pa🤣, Hay pasaway to na pusa namin ayaw nya Kumain ng kanin simula pa kagabi e naaawa nako kaya yung kaisa isang itlog linuto ko na para sa kanya, sabi ng asawa ko dapat hindi ko daw sanayin na palaging ulam lang ang kinakain para daw hindi kami ma mroblema pag wala kaming masarap na ulam.... Nasanay din sya sa dog food, parati nyang binibisita yung lalagyan ng feeds para sa aso namin, tapos Lungkot…
Goodmorning po, ang lamig pa dito sa labas sumama pala ako sa pagtitinda ng bigas dito sa palengke, first time ko ito, grabe ganito pala ka hirap puyat na puyat pa ako eh, 2:AM kami pumunta dito. Sana maubos ka agad ang bigas na dala namin para naman makauwi ka agad.
Malapit ng matapos yung reading corner ko 😊. Yan yung naisip ko na design, temporary lang naman yan, substitute teacher kasi ako baka ayaw nung tunay na teacher ng design ko, madali nya lang yan matatanggal kasi papel lang naman... Ayaw ko nga sana gumawa hindi naman kasi ako talented then nahihiya ako doon sa teacher, artist daw kasi Yun eh
Ito yung ganap kanina sa classroom, sabi sa akin ng isa Kong studynte tuturuan nya daw yung mga kaklase nya magbilang, sabi ko naman sige na turuan mo na sila habang ako meron tinuturuan din na iba. Siya yan na may hawak na ruler, kahanga hanga na batang yan kasi sobrang galing nya sa numbers pero ni isang letters wala syang alam 😅 pero nakikita ko na may bright future sya, nakikita ko kasi sa kanya ang willingness nya na matuto.
Kakauwi ko lang galing sa office, yung nasakyan ko na tricycle meron naka dikit sa loob ng sticker na "MADI PAULI NA AKO" tagalog translation "Mare pauwi na ako" medyo napaisip ako Kung ano ibig sabihin nyan hahahha nakababa nako iniisip ko parin ang katagang yan.... Kayo guys ano ang pagkakaintindi nyo sa katagang Mare pauwi nako 😂
Binilhan ni mama nito yung pamangkin ko, ang cute nito na jelly like na ball tapos umiilaw sya pag napisil. Enjoy na enjoy yung pamangkin ko mag laro nito kaya naisipan ko na bilhan na din yung pusa namin😂 oh diba enjoy na enjoy din sya... Rest day ko ngayon pero parang hindi hahahah yung paper works kasi sa school hinahabol ako pati dito sa bahay kaloka naman.. Gagawa ako ng instructional materials para next week, mag piprint ng work sheet nila at marami pang reports…
Bumili ako kanina ng wedding gift at deretcho ko na rin pinabalot. Sabi ko sa asawa ko na pera nalang ang ibigay namin kasi mas kailangan ngayon ang pera kaysa material na bagay... Sabi naman ng asawa ko mas makakatipid daw kami pag material na bagay ang ibibigay mas kailangan daw namin yung pera🤣 sa halagang 300 nakabili na kami ng gift... Dito sa amin kasi guys Kung mag bibigay ng pera dapat mga 500 to 1000 o ma's higit pa, para maiwasan na ma chisssmisss.....
Napasabak ako sa pagluluto dito sa school, pumunta kasi dito sa school namin yung superintendent wala ng time para mag order ng food kasi malayo kami sa sentro kaya pinaluto nalang ako, ako pa talaga ah🤣 jusmeyo sana naman kainin nila ito.... Hindi naman kasi ako magaling magluto, sa bahay namin asawa ko nagluluto,....
Meron kaming General PTA meeting ngayon, nag thank you kami sa mga parents sa pag tulong nila dito sa school, nagkaroon kasi ng evaluation dito sa District namin at pinili nila ang may ma linis na at conducive to learning na skewelahan at naka pag rank 2 nga kami at dahil Yun sa masisipag na parents... Kaya lang kunti lang ang nag attend pag meeting talaga behira sila pumunta sa school pero kapag maglilinis at Kung kailangan talaga ang presensya nila nakakaisa sila na…
Magandang gabi, Kakauwi ko lang galing sa mother - in-law ko , doon kasi ako nakikiprint ng worksheet na ginagamit ng mga student ko.... Pagbukas namin ng gate takbo kaagad itong aso ng kapitbahay namin, alam nya kasing may dala akong pagkain sa kanya 😊 medyo napapabayaan sya ang payat payat nya, gusto ko nga sana syang ampunin nalang kaya lang baka ma pagalitan nmn ako ng kapitbahay namin, binibigyan ko nalang sya araw araw ng pagkain.
Pareho ba tayo ng iniisip? Hahaha 🤣.. Ang lesson namin kanina ay letter K, sa worksheet nila may activity doon na kailangan nilang mag drawing ng bagay na nagsisimula ang pangalan sa letrang K, yung isa Kung student ay naka tapos sya kaagad at pinasa nya kaagad ang worksheet nya sa akin, pagkakita ko na bigla ako sa drawing nya 😅, Iba kaagad yung pumasok sa isip ko pero inisip ko muna baka may ganon talaga na bagay na nagsisimula sa K, wala talaga akong maisip kaya ang…
Happy Saturday guys, Nag join narin pala ako sa noise. App at ito yung aking invite link https://noise.app/invite/p5a8juiw.... Yung name ko pala ay pareho lang ng name ko dito kay noise... Yung mga gusto po mag join dyan welcome po kayo😊 #spreadlove
Stress ako dito sa laptop ko Kung kailan ang dami Kung kailangan tapusin ngayon pa nag loko.. Nag-aayos ako ng laptop ko wala naman ako extra pera pang pa-ayos nito, ang dami ko pa naman na reports na kailangan ipasa at ginagamit ko din ito pag nagtuturo ako, ginawa ko na lahat pero hindi ko talaga syang kayang ayusin parang hindi na software ang problema nito. 🤔
Ang saya ko ngayon guys dumating na kasi yung pina ayos ko na wedding picture namin ng asawa ko, kinasal kami last January hindi naging maganda yung kinalabasan kasi para kaming na scam ng photographer na nakuha namin.... Eh kasi naman yung lahat ng picture namin yellow yung background tapos kami yellow na rin mga kutis namin, habang tinitingnan namin yung mga picts namin non tawa nalang ako ng tawa, maliban kasi sa yellow ang background naming lahat, wala ni isang picture…
Nakakahinga ako ng maluwag pag ganitong oras na, uwian na kasi ng mga studynte ko, ang ganda sa paki ramdam pag nairaraos ko yung Bawat araw na matiwasay at may natutunan na bago yung mga studynte ko..... 5:00 pako ma Kakauwi ereready ko muna yung ituturo bukas na umaga, hindi ako nagdadala ng trabho sa bahay kasi ayokong ma stress 😅
Earthquake drill Nagsagawa kami ng earthquake drill ngayon. Mas maganda kapag alam din ng mga bata Kung anong gagawin kapag may mga ganitong trahedya/kalamidad na mangyayari... Habang nagdidiscuss ako about earthquake kanina marami yung nagrerecite na bata, alam na alam na nila Kung ano yung lindol at Kung ano yung gagawin nila tapos meron pang sinabi sila tungkol daw sa buntis pag nag lindol daw yung buntis kailangan daw buhusan ng tatlong tabo ng tubig para hindi ma kunan…
Naririnig nyo pa ba ang salitang floorwax? 😅 Friday ngayon kaya wala akong studynte kaya yan naglilinis ako ng room, Monday to Thursday lang kasi ang pasok ng mga studynte namin. Ang last Kong nag floorwax ng sahig ay nung studynte pa ako 😁, kaya ngayon napasabak ako sa pag floorwax hindi ko kasi naaasahan ang mga studynte ko sa paglilinis eh, hindi sila marunong mag walis, ayuko naman turuan sila o palinisin ng room takot din kasi ako baka pagalitan ako ng parents na…
Gumagawa ako ngayon ng flashcard, ang Ginamit ko lang ay mga recycled na materials sayang nmn kasi itatapon lang. Ibibigay ko pala ito sa isa Kung studynte na nahihirapan pa sa alphabet. Gusto ko kasi na bago ako umalis dito sa school eh may naibigay mn lng ako sa kanila