Tayoy tao lamang di magtagal
dito sa mundo pono ng sagabal.
Nakararanas din ng bagyo't lindol.
At sana'y luha ko ay mapigil
sa Diyos lamang ako'y humahagolgol
sa sakit na aking nadarama o aking idol.
At ng ikaw ay hindi nagpakita
kasalukuyang ikaw na ang bida.
Dahil sa wala ka, ika'y mali na.
Di nila nafi-feel, ang sakit dba?
Husga ng husga, try mo kaya.
Try mo kaya sa kalagayan ng iba,
ipalagay natin sa isang taong nasa ibang bansa.
Kayod ng kayod at samantalang sila,
ikaw at ako nagpakasaya lang,dba ang saya?
Ang saya ng feeling kung walang problema?
At ng isang araw, napapagod at nagdesisyon siya.
Magpapakasal at bumukod na ng pamilya.
Ang sakit dba? nasanayan mo na ang saya at ginhawa.
Diyan nagtatapos ang estorya.
Salamat Panginoon at maunawaan nila.
Maunawaan ang mga pangyayari ng iba.
Na di pwedeng sunodsunoran sa utos nila
dahil tao lang tayo at may pangarap sa pamilya.
Sana'y patas ang laban at maintindihan niya
na si Hesus lang ang pwedeng manghusga.
Manatiling tahimik sa harapan nila
kahit ito'y habang buhay dinadala
para lang magkaroon ng lakas ng loob
humaharap sa iba.
Sakit na hindi malilimutan kahit kailan pa
bagamat Diyos ang pinupuntahan tuwing iiyak ka.
Iiyak at iiyak ka pero babangon parin.
Kahit puso mo'y nasasaktan din.
Kapatid kailangan mo ang Panginoon.
Mas naiintindihan ka Niya kaibigan
di gaya ng iba pagtalikod mo,
tiyak pinag uusapan at ika'y pulutan.