Sana'y Maunawaan Pusong Nasasaktan

0 2
Avatar for JESUS.LOVES.YOU
3 years ago

Tayoy tao lamang di magtagal

dito sa mundo pono ng sagabal.

Nakararanas din ng bagyo't lindol.

At sana'y luha ko ay mapigil

sa Diyos lamang ako'y humahagolgol

sa sakit na aking nadarama o aking idol.

At ng ikaw ay hindi nagpakita

kasalukuyang ikaw na ang bida.

Dahil sa wala ka, ika'y mali na.

Di nila nafi-feel, ang sakit dba?

Husga ng husga, try mo kaya.

Try mo kaya sa kalagayan ng iba,

ipalagay natin sa isang taong nasa ibang bansa.

Kayod ng kayod at samantalang sila,

ikaw at ako nagpakasaya lang,dba ang saya?

Ang saya ng feeling kung walang problema?

At ng isang araw, napapagod at nagdesisyon siya.

Magpapakasal at bumukod na ng pamilya.

Ang sakit dba? nasanayan mo na ang saya at ginhawa.

Diyan nagtatapos ang estorya.

Salamat Panginoon at maunawaan nila.

Maunawaan ang mga pangyayari ng iba.

Na di pwedeng sunodsunoran sa utos nila

dahil tao lang tayo at may pangarap sa pamilya.

Sana'y patas ang laban at maintindihan niya

na si Hesus lang ang pwedeng manghusga.

Manatiling tahimik sa harapan nila

kahit ito'y habang buhay dinadala

para lang magkaroon ng lakas ng loob

humaharap sa iba.

Sakit na hindi malilimutan kahit kailan pa

bagamat Diyos ang pinupuntahan tuwing iiyak ka.

Iiyak at iiyak ka pero babangon parin.

Kahit puso mo'y nasasaktan din.

Kapatid kailangan mo ang Panginoon.

Mas naiintindihan ka Niya kaibigan

di gaya ng iba pagtalikod mo,

tiyak pinag uusapan at ika'y pulutan.

1
$ 0.00
Sponsors of JESUS.LOVES.YOU
empty
empty
empty
Avatar for JESUS.LOVES.YOU
3 years ago

Comments