Napakabuti mo Panginoon
Ikaw ang aming sandigan
sa kabila ng kalungkutan.
Kapag bumaha't umulan
Ikaw aming matutuluyan.
Napakabuti mo Panginoon
lahat ng FRONTLINERS andiyan.
Aming dasal sila'y palakasin
dahil naglilingkod sila sa bayan
at kanilang pamilya nag-alala man.
Napakabuti mo Panginoon
Mula noon hanggang ngayon.
Minsan di namin maiintindihan
kung ano ang Iyong kagustuhan
kami'y umaasa Mundo ay babangon
at Ika'y sambahin.
Napakabuti mo Panginoon
sa lahat ng panahon, Ika'y naroon.
Walang ibang mapupuntahan
sa krisis na aming napagdaanan.
Lilipas din ito mahal naming Panginoon.
Napakabuti mo Panginoon
Kahit maraming kasalanan
kami ay binigyan ng kapatawaran.
Sa ganitong mga sitwasyon,
salamat hindi mo kami iniwan.
Napakabuti mo Panginoon
hindi mo kami pinabayaan.
Patuloy mo kaming binabantayan
sa Covid19 lahat nagbabayanihan
upang malutas ang kahirapan.