Kabataan Pag-asa ng Bayan

0 3
Avatar for JESUS.LOVES.YOU
3 years ago
Sponsors of JESUS.LOVES.YOU
empty
empty
empty

Kabataan pag-asa ng bayan.
Ang ganda pakinggan ngunit may mga katanungan.
Ano ba ang kabataan ngayon?
Lingid sa kaalaman KPOP hinahangaan.
Pwera lang ang may malasakit sa mamamayan.
Masyadong sosie ang ibang kabataan.

Kabataan pag-asa ng bayan.
Sariling magulang kayang laruan
para lang makuha ang kagustuhan.
Ano nga ba ang patutunguhan nitong bayan?
Bagamat may mga kabataan nag-iinuman sa lansangan.
Druga at iba pang nakakasama sa katawan at kinabukasan.
Pano na lang isang batang walang kamuwangmuwang nakikita ang kanilang gawaan?

Kabataan pag-asa ng bayan.
Sapagkat ang iba diyan pera ang kailangan.
Hanggang kailan tayo magkakaroon ng kapayapaan?
Kung ang ating sinimulan puro lang kutya-an.
Oo nga pala nagkaroon naman ng digmaan
at maraming namaatay na kasundaluhan.
Paano na ang kanilang kabataan?

Kabataan pag-asa ng bayan.
Bakit pinapatay ng walang laban?
Bakit ganito nga ba ang tinuturo ng inyong mga kanunu-an?
Gising mga kaibigan at irespeto ang gumawa sa sanlibutan.
Alam ko kilala mo Siya aking kaibigan
Siya lang ang taong nagsakripisyo sa ating kasalanan.
Kasalanan na hanggang ngayon pinapasan Niya pa rin.

Kabataan pag-asa ng bayan.
Pano nalang ang susunod na generasyon?
Sana inyong maramdaman ang hirap na pinagdaanan
ng ating sariling Ama na Siya ang sandigan ano mang sakuna ating  nararanasan.
Aanhin ang pera kung pagtulog mo ika'y minumulto sa nakaraan.
Kung saan pinatay mo ang ambition ng isang kaibigan.
Sana tayo'y magtutulungan at ipaghari ang pag-ibig sa sanlibutan
tiyak ating makakamtan ang kapayapaan at kasaganaan.


1
$ 0.00
Sponsors of JESUS.LOVES.YOU
empty
empty
empty
Avatar for JESUS.LOVES.YOU
3 years ago

Comments