Pilipino Kuno

0 6
Avatar for JASHING
3 years ago

lapastangan sa sariling bayan; nasa'n ang nasyonalismong ipinagmamalaki mo sa bayan?


suot ang baro't saya, masayahing sasayaw sa linggo ng wika ngunit hindi ito tradisyonal 'pagkat sinasayaw mo lamang ay sayaw ng mga banyaga. kahihiyan; "mahal ko ang aking bayan" sambit niya sa wikang ingles 'pagkat ikinahihiya ang filipinong kinagisnan ng lapastangan.


aminin mo

ikinahihiya mo ang 'yong bayan.

hindi ito nasyonalismopagtataksil ang tawag dito.

"sorry, filipino is so hard for me to speak" aniya na.

may malalapad pang ngiti na animo'y ipinagmamalaki pa na mas bihasa ito sa wikang banyaga


pilipino ka

nasa pilipinas ka

h'wag kalilimutang sa huli, ito ang 'yong sinilangan.

taksil! itakwil! lapastangan ka sa inang bayan!


j.ejansantos

-1
$ 0.00

Comments