Magda: Sinaunang pokpok ng Pilipinas.

2 25
Avatar for JASHING
3 years ago

mahalagang paalala: ang paksang nakasaad sa piyesang ito ay maaaring maging sensitibo para sa 'yo.

::magdalena maproblema, magtrabo'ng hubo't hubad nang pangkai'y 'di mamroblema.

&&: ito'y kwento ng isang babaeng tulog sa umaga gising sa gabi. ang kan'yang mukha'y puno ng kolorete, simulan na natin ang istorya. at nang siya'y magdalaga, gandang katangi-tangi'y namukadkad na laging inaalintana ng bawat binata. pisnging mala-rosas, labing natural na mapula, katawang pantasya ng bawat kalalakihan, 'di mapagkakailang tatay niya'y protektado siya. &&: ngunit ama'y walang magawa nang iwan ng anak, nagtrabaho para pangangailanga'y matustusan.

sayaw,
benta,
magpaligaya,
o ito, pera.

&&: lumuwas habang nagdarasal na maabutan sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuan...

agad pumasok sa silid, pero bakit ang dilim?
madaming lamesa't nag-iinumang mga lasing nang biglang
nagpalakpakan, may mabagal kanta.

aking nasaksihan, maduming mundong ginagalawan. hindi siya adik na panay hithit, siya'y bayarang babae ng bawat pinoy, amerikano o 'di kaya'y singkit. ako'y nabulaga, higit pa sa sorpresa ng daga; bakas ang hirap sa kaniyang mukha, hindi yao'y masaya bagkus ay masakit sa loob ika pa.

&&: sa maliit na entablado ay nakita ko. ako ay nagtaka, nagtanong, nagkamot, bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?

ako'y napaisip, bakit nga ba niya nagawa ito?
tingin ng madla'y nakakapanlumo;
oh magda, anong nangyari sa 'yo?

ama'y kawawang naghihintay sa pagbabalik nawalay na anak; kawawang tatay, walang kaalam-alam anak pariwara sa siyudad na niluwas. tatay, anak niyo ho'y marumi pa sa putik, naliligo'ng tamod—bili'y isinuwail, nagsinungaling, makasalanang Magda'y nagpakalinis ng bituka'y may mapalamon. oh ama, si Magda, nangangailangan ng tulong, palayain nawa sa seldang tirahang inaabusado ng mga ulupong.

&&: oh magdalena ano'ng problema? bakit 'di ka makawala sa kadena? at sa gabi-gabi'y, ikaw nasa selda na hanapbuhay mo ngayon. magdalena ano'ng problema? alam naman natin na dati kang nena, at sa ama'y ikaw ay prinsesa, ano'ng nangyari sa 'yo?

ito'y kwento ng isang babae...

j.ejansantos

-1
$ 0.00
Avatar for JASHING
3 years ago

Comments

Magdalenang mababa ang lipad 😊😊

$ 0.00
3 years ago

baka soon po, gagawan ko rin po ng prosa o tula 'yan hihi.

$ 0.00
3 years ago