0
27
Napakahirap tanggalin ang uhog sa panyo kahit labhan mo pa ito dahil masyado itong madulas at makapit. Hindi mo naman ito puwedeng basta-basta na lang itapon dahil magdudulot ito ng sakit sa ibang tao.
May mas madaling paraan para tanggalin iyan. Narito ang pamamaraan:
1. Ilagay sa isang planggana o balde ang lahat ng panyo o damit na nadikitan ng uhog.
2. Magpakulo ng tubig sa kaldero.
Ang dami ng tubig ay nakadepende kung gaano karami ang lalabhang damit at panyo. Kailangan kasi nakalublob lahat sa mainit tubig.
3. Pagkatapos magpakulo ng tubig, ibuhos agad ito sa lalagyan na may damit o panyong may uhog.
Nakakatulong ang mainit na tubig upang tunawin ang uhog at patayin ang mikrobyo.
4. Palamigin hanggang sa maging maligamgam ang tubig.
5. Kapag naging maligamgam na ang tubig, puwede mo na itong kusutin at banlawan at ilagay sa ibang lalagyan para labhan ito ng may kasamang sabon at bleach.
Malalaman mo kapag wala nang uhog kapag hindi na madulas ang panyo o damit.
Ganun lang gagawin mga readers at nawa makatulong itong tips ko.
God bless po sa ating lahat at stay safe and healthy!