Labanan Ang Depresyon!

0 12
Avatar for IzaBelle
4 years ago

Sa panahon ngayon marami ng mga tao ang nakakaranas ng depresyon. Ngunit ano nga ba ang depresyon? Ang depresyon ay isang karaniwang sakit na may negatibong epekto sa pag uugali ng isang tao. Ito ay nagiging sanhi kong bakit nalulungkot o nawawalan ng interes ang isang tao sa kaniyang mga hilig.Maaari rin itong humantong sa mga sari saring emosyonal at pisikal na problema ng isang tao at mababawasan ang abilidad nitong gampanan ng mabuti ang kaniyang mga tungkulin.Kaya kailangan itong solusyonan upang hindi ito humantong sa pagpapatiwakal ng isang tao.

Kaya ito ang mga paraan upang masolusyonan o maiwasan na makaranas ng depresyon ang isang tao.

Una. Gawin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo.Huwag mong hayaang diktahan ng ibang tao ang buhay mo upang sa huli wala kang pagsisisihan.

Ikalawa. Huwag kang mag isip ng mga negatibong bagay. Palagi lang tayong mag isip ng mga positibong bagay upang hindi tayo maging miserable at mabura nito ang mga negatibong mga bagay sa ating mga isipan.

Ikatlo. Maglaan tayo ng oras sa ating mga mahal sa buhay. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan nating makaranas ng depresyon dahil nandiyan ang ating mga mahal sa buhay sa mga oras na kailangan natin sila. Sila rin ang magsisilbing lakas at sandalan natin sa oras ng kalungkutan.

At panghuli ay ang pananalig at pagdarasal sa Diyos. Manalig at magdasal lang tayo sa ating Panginoon kapag tayo ay may mga problema dahil alam naman natin na hindi niya tayo bibigyan ng problema kung hindi natin ito kaya. Kaya huwag tayong mag alala sa mga bagay na sa palagay natin ay hindi natin mareresolba dahil nandiyan ang Diyos handa tayong tulungan at gabayan sa lahat ng ating mga problema na kinakaharap natin sa ating buhay.

2
$ 0.00
Sponsors of IzaBelle
empty
empty
empty

Comments