Massive explosion in Lebanon 2 Filipino ofw

2 21
Avatar for IvanDave
4 years ago

CONCEPT NEWS CENTRAL

Beirut, Niyanig!

Published

 1 hour ago 

on

 August 6, 2020 06:00 AM

By

 Sebastian Navarro

[bad iframe src]

Ads by optAd360

Dalawang overseas Filipino workers (OFW) ang naiulat na namatay sa nakapangingilabot na twin explosions na yumanig sa isang port sa Beirut Lebanon nito lamang Miyerkules, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa ulat ng DFA na mula sa embahada ng Pilipinas sa Lebanon, ang dalawang Filipino household workers ay namatay sa loob ng bahay ng kanilang employer nang maganap ang pagsabog.

Walong ibang Pilipino naman ang nasaktan at labindalawa pa ang nawawala, ayon pa rin sa DFA.

Sa labindalawang nawawala, labing-isa rito ay mga Filipino seafarers at isa pa ay isang household service worker.

Ang mga nasabing seafarers ay mula sa nakadaong na MV Orient Queen may apat na raang metro ang layo mula sa blast zone.

Samantala, dalawang Filipino crew naman na nasaktan ang nakaabot sa Philippine Embassy sa Beirut kung saan nagpapagaling na ang mga ito.

Sinabi ni DFA Undersecretary Sarah Arriola na naramdaman rin ang pagsabog sa Philippine Embassy sa Beirut kahit pa malayo ito sa nangyaring nakaririmarim na pagsabog.

Nasa mabuting kalagayan naman ang mga staff ng embahada at walang nawawala sa kanila.

“We were told that they also felt the shockwave so talagang yumanig talaga ang Embassy. So ganoon kalakas talaga ang explosion. So kahit talagang wala ka sa kalsada at that time, tatamaan ka eh. Kasi marami doon nabasag,” sabi ni Arriola.

Dagdag niya, naghahanda na sila ng repatriation flight upang maiuwi na sa bansa ang mga Pilipinong walang exit visa at ang mga bangkay ng mga nasawi sa katapusan ng linggo o maaring sa susunod na linggo.

Sinabi rin ni Arriola na handa ang DFA na magbigay ng ayuda sa pamilya ng mga nasawi at nawawala dahil sa pagsabog.

May 31,916 Pilipino ang nasa Lebanon at halos sampung libo sa mga ito ay mga undocumented migrants.

Nitong Miyerkules, nasa 1,508 Pilipino na ang nakasama sa mass repatriation program.

4
$ 0.00
Avatar for IvanDave
4 years ago

Comments

Nice

$ 0.00
4 years ago

Nice information

$ 0.00
4 years ago