Blessed Sunday Everyone!
Good morning,ngayon palang magbebreakfast mga kaingay.. sinemplehan ko na ang pagluto ng shrimp.
Isasalang lang sa kawali at pagnagkulay orange na hahawiin na ayan luto na... wala ng ikk ikk sa pagluluto. Yun pala walang bibili sa baba ng kulang na sangkap hahaha,tamad lang o dahil sa maputik ang daan dahil umuulan pa.
Rainy Saturday...
Rainy Afternoon...
I'm doing ipon ipon some water from the rain to the balde to clean our bathroom later...goshhhhh,cencia na sa language na kinamatis hahahh walang magawa sa buhay.
To save some water because our water bill is so bigger and bigger,I don't have any savings to help my husband to pay some of our bills ohhh my goodness gracious!
Maulan na Tanghali samin dito,sa inyo ba ganun din?
Tara lunch muna tayo,
Chicken feet po mga kaingay,nakaseparate na po yan para sakin heheh...
Nauna na kasing kumain sina mother in law at mga junakis at akoy may nilakad lang sa labas kahit umuulan.
May sili po sa itaas dahil mas bet kona ngayon kumain ng maaanghang pero paminsan minsan lang naman nahawaan lang ni Mister.
Galaw galaw na po sa may mga work pa dahil today is Friday ibig sabihin weekend na naman bukas,ahhahah kaya tapusin na ang mga gawain para wala ng alalahanin bukas o kayay pagbalik sa work on Monday.ohhh diba advance mag isip...
Rainy morning dito samin....
Kumusta po ang lahat...
Share ko muna itong mga cute dolls na pag mamay ari ng tita ko. Galing pa sa US mga ipon nya habang nagstay sya don,but for now dito na sya nakatira sa Pilipinas tapos na ang pakikibaka nya sa mga English People out there..pahinga na muna sya sa Pinas.
Noong bata ako hindi ko naranasan magkaroon ng magagandang laruan o kaya nitong mga dolls nato. Kaya ang isa jan ibibigay nya daw sa anak ko sa araw ng Pasko. Nakalaan na para sa anak ko kaya alam ko abot taynga na naman ang ngiti ni bb girl neto. Salamat naman kahit wala akong pambili ng magagandang laruan ngayon sa aking anak ehhh may magbibigay na sa kanya. Kaya pakaingatan ko etong mabuti at ididisplay nalang sa bahay,whahahha,jowk.
Brown Coffee
Good morning,.
Kape kape na..
Kanina pa ako nagising pero ngayon ko lang naisipang magkape.
Nag2nd batch kasi ako sa aking labada.
Dahil umulan na naman kahapon kaya tinamad na akong tapusin.
So extended sya ngayon at naway tuloy tuloy na ang pagsikat ng araw.
GodBless po this Thusrday and everyday.
A slice of cake+ a piece of bread+ and spaghetti= Diet
Charrrrrr....
Good evening everyone...
Heto at nakikikain lang sa birthday,buti may naabutan pa kami ni Mister,hahah.
Sinundo kasi namin ang mga kids dahil nakikibirthday sila sa pinsan nila at gabi na hindi pa nakauwi dahil umuulan.
Kaya nakakain tuloy sa handa ng birthday boy nila.
Pag uwi sa bahay kakain pa rin ako ng dinner,hehehe sayang naman kasi niluto kong ulam at kanin kong hindi mababawasan ano...heheh
One stick of pork bbq...
Ang busy ng umaga ko mga kaingay kaya ngayon lang nakapag update.
Pagkagising ko handa agad ng baon Mister.
Pagkatapos laba laba day.
Kaya pagoda ang umaga ko.
Hindi pa ako tapos sa kakakuskos .Time out muna ako. Nagpaparinig na kasi ang tyan ko.
Heto at tinirhan ako ng ulam ni mother in law.
Isang stick talaga ng pork bbq. But sad to say ang "alat". Nilagyan ko ng asin kagabi,magdamag nakababad sa asin at hindi na nahugasan muli deretso ihaw na kaya naman ang alat,hahhaha.
It's my fault naman.
Mauuna napo akong maglunch need ko ng energy for my laundry.
Ako lang ba ang hindi makakaperfect sa pagluto ng banana cue?ahhhahahha...
Magandang gabi po sa lahat...
Extended pa ang aming meryenda ngayon..
Buti nalang naalala ko may naiwan pa palang saging na saba last Sunday na nabili namin.
Hinog na hinog na kaya heto niluto ko as banana cue.
Kaya lang hindi perfect ehhh...
Gusto ko sana kapit na kapit yung asukal sa saging at hindi overcooked,pero pwede pa namang kainin kahit medjo mapait pait ng kunti,ahhahah.
Tara sino sasabay jan kumain pagpasensyahan nyo na luto ko,hehhe
Fried Rice+Fried Chicken=Lunch
May math din pala sa pagkain,ahhahha.
Good morning beautiful people all over the world.
Hayan na ang aming breakfast,papunta na sa lunch. Damihan nalang ng kain para hindi na kakain sa lunch tapos pagdating ng hapon gutom na agad..ahhaha. buhay!
Dami kami leftover na kanin kagabi,yung dinamihan mo ng luto tapos mga kasama mo sa bahay hindi halos kumain minsan maiinis ka rin ano,kapag kunti lang luto ng kanin dami ang kain,kapag dinamihan naman kunti lang kumakain,hay nakoowww.
Nways it's Tuesday,tuessss to be happy,GodBless.
Pineapple....
Mga kaingays done dinner na ba?
Tumikim lang ako ng kunti sa pinya na binalatan ni mother in law dahil gustong gusto tumikim ng mouth ko sa pinya nato. Hindi mapigilang tumulo ng laway ko,ahhahhah.
Ang asim pala,kunting kunti lang ang tamis nako naman hindi ginalingan ng nagtanim but ganerrrn!
Hehehhe,sinisi pa sila.
Goodnight na po sa lahat. See you tom.
Purple Flower for this Monday morning...
Good morning to all...
A busy day for us coz it's Monday
Lots of things to do.
So hurry up ,stand up and do some work
To finish early so that nothing to worry about later.
God Bless.
Our dinner...
Good evening po sa lahat...
Medjo nagwoworry ako sa dinner namin dahil sa may coconut milk o gata.
Crab po with squash,sitaw and gata.
Paggabi kasi nakakabahala kasi baka sumakit ang tyan dahil sa gata,hindi kasi paawat si Mister gusto nya talagang lagyan dahil masarap nga naman pag ganitong luto. Kaya sya ang nagwagi at sya rin ang nagluto.
Ganyan din ba sa tingin nyo kapag kakain sa gabi na may kasamang gata ang mga ulam o gulay,pero depende naman siguro yun ano patibayan lang ng tyan. Kaya kaabang abang.
Dinner napo tayo...
#Chinese Cabbage+Saging na Saba
Malapit na po ang tanghalian ano po luto natin jan.
Araw ng Linggo.
Araw ng pagsisimba at araw ng makipagdutdutan sa palengke.
Kani kanina ay kararating lang namin galing palengke.
At itong gulay na Chinese Cabbage at saging na saba ang napili naming gulay para sa ulam naming nilagang karne.
Ang mahal na naman kasi ng repolyo replacement na muna yan kasi mura at masarap naman kumbinasyon nila ng saging..
Ilang oras pa ang aabutin ng lulutuin namin mga kaingay kaya kung kakain na po kayo,eat well po sa inyong lahat.
HAPPY AND BLESSED SUNDAY EVERYONE.
Hi there everyone!
Good noon...
Hindi ko pa pala naipost to kanina,nagiging makakalimutin na ahhahha.
Eto pala lunch namin kani kanina lang.
At dahil Saturday...
Wala lang,gulay pa rin.
Squash with shrimp at dahon ng kulitis.
Sarap sya guys manamis namiss..
So healthy Saturday...
Kape kape....
Kagigising lang po kaya kape agad ang hanap.
Sakit ng ulo ko kaya try ko munang uminom neto.
Brown coffee naman ngayon,sari saring kape na ang aking iniinum every week,hehe
And now it's Saturday more gawa,linis,ayos,laba ano paba?
Enjoy your day this Weekend.GodBless.
Still waiting...
Ang aso namin inaantok na sa kaaantay ng 2nd batch dinner nya. Dalawang beses kasi syang kumain tuwing gabi panay gutom ehh nagpapataba kaba Chay? Antay antay lang maseserve na agad food mo hah...
Dinner na po tayo mga kaingay..
Good evening po sa lahat..
Chips Chips Chips
Done naba sa lunch mga kaingay?
Magsasnack na kasi kami,heheh
Pagkatapos kumain ng lunch kain na naman ng Chips.
Tinolang manok pa rin ang ulam namin dami pang natira kaya nakatipid na naman.
My favorite Mr. CHIPS same pa rin ang lasa mula noon hanggang ngayon.heheh
Kaya papakkkk nah!
Tinolang Manok...
Good morning sa lahat...
Early in the morning let's eat tinolang manok.
Ang aga kong nagising kanina around 5am baka kasi matagalan ako sa pagluto ng tinolang manok na babaunin din ni Mister sa work. Nahiwa kona sya kagabi yung papaya nalang ang hindi ko naprepare kagabi. Buti at mabilis lang maluto. Kaya higop higop na ng mainit init na sabaw. After kain balik tulog again,ehhehe.
It's Friday mga kaingay enjoy your day and finish your task para makauwi ng maaga. GODBLESS.
Early Lunch...
And it's 11am,ang aga ng lunch ko tyak mamayang hapon gutom na ako,ahhahha.
Kagigising lang din kasi namin mga bandang 10am ang lakas kasi ng ulan walang tigil kaya nakakatamad bumangon. Ang iba dami ng gawa kami ngayon palang kikilos,hehhe.
Pero pagkagising ko luto naman agad ako netong ulam namin
Pork giniling with sayote and patatas.
Kaysa mabulok lang itong mga gulay na nakastock sa bahay e mix ko na lang sa pork. Sarap mag experiment ng ulam,heheh.
Tara lunch.
Yung matutulog kana nga lang pero may hinanakit ka sa kasama mo.
Sakit sa dibdib ano?
Pa emote muna sa wall nyo mga kaingays...
Kahit konting oras lang.
Pagbigyan nyo na ako.
Pahuggg sa 100 ferson jan.
Sensia na hah,lab ko kayo.
Goodnight napo.
Salamat sa support,thank you sa generous people out there.
GODBLESS.
Good morning everyone!
So hottiiee na ang umaga,kaya gising na lahat ng makadami ng gawa.
Skl etong inorder ko sa s_ope_,super happy naman ako dahil kasyang kasya kay little princess ko at hinulaan ko lang yung size mga kaingay,hahah. 23yata size nya matagal na kasi ako hindi nakabili ng mga sandals at shoes para sa kanya kaya 24 nalang inorder ko. Ayun at nakajackpot naman may konting luwag pa ohh diba galing kong manghula.hahahha
Hindi ko type yung naesend na pic ni seller mukhang madidisappoint sana ako buti nalang maganda pala sa actual. Kabaliktaran ito hah minsan yung naepost e maganda tas pangit pala sa actual. Pero etong sa anak koy hindi maganda ang kuha sa pics ni seller pero sa actual maganda pala good quality pa,hahah paulit ulit kaya sulit. Hindi yata maganda ang camera ni seller,thinks.jowk lang✌.
Dating gawi...
Magandang gabi sa lahat.
Sa oras ng kagipitan meron kang maaasahan.
Dahil nashort na naman sa budget ang kaingay nyo kaya tiis tiis muna tayo sa paggamit ng kahoy. Balik sa dati,kung saan ka nagmula babalikan mo pa rin ang dati mong kinagawian. Pero dapat may nakastock na sa bahay para hindi kana maghanap pa oras na mawalan ka.
Luto luto napo mga kaingays.
Alugbati for lunch
Good noon,time to lunch everyone.
Green leafy vegetables mabilis lang yumabong pag itinanim. Walang isda,walang baboy,walang manok walang delata na stock o ano pa,kaya mag gulay kana nasa paligid lang nakalibre kana healthy kapa. Ohhh diba all in na.
HAPPY LUNCH guys.
Good morning kaingay's...
Me and my daughter had just some walk early this morning to find some food to eat for our breakfast.
Maaga syang nagising kaya isinama ko nalang kaysa maiwan at umiyak na naman sa bahay kapag wala ako.
Nakasabay namin sa daan ang grupo ng mga kabataan dito samin na nagbubuhat ng mga kahoy. Minsan nagbubuhat din sila ng mga paninda na hindi kayang dalhin ng may ari,at kung ano ano pa.
Ganyan ang mga gawain ng mga kabataan dito saming lugar taga buhat,at syempre may bayad.Ang iba sa kanilay hindi na nag aaral. Mas gusto na nilang kumita ng maaga pa kaysa ang mag aral. Hindi na sila nag iisip sa mga future nila o baka tinatamad na talaga silang mag aral. Sino ba ang dapat sisihin dito ang anak o magulang? Sanay may pagbabago pa sa mga desisyon nila habang bata pa sila.
Pang breakfast lang ang hanap namin pero ang mga batang ito ang nahanap ko at nagawan ng kwento ahhahhaha.
Happy Tuesday na nga lang po sating lahat.
Outside view
Good evening kaingay's...
Waiting for visitor outside,ayan nakahanda na ang dalawang upuan.charinggggg!
It's a prank!
Hindi kopa pala nakuha sa labas ang mga upuan nagbahay bahayan na naman kasi kanina ang mga kids at upuan na naman ang ginamit sa paglalaro.
Pero mas maigi ng upuan at hindi na ang mga halaman ang mapagtripan.
Ligpit na muna ako baka maabutan pa ni Mister,waiting pa nga pala ako sa uulamin ngayon. Hindi pa dumadating si Mister pero nakatawag na kanina pauwi na daw.
Ang paalam ay matutulog,tapos ito ang bubungad😅
Habang akoy abala sa paghuhugas ng pinagkainan,abala pala sila sa panunuod sa selpon.
Marunong ng magtype ng password alam na alam.
Tapos naka on pa ang ilaw at nakasarado ang mga bintana. Ohhh diba,kaya ang tahimik at hindi mo maririnig kung ano ang ganap ang talino anoh,hahayyy.
Gandang Tanghali po tapos naba tanghalian natin jan?
Wazzzuppp,it's Monday a busy day to everyone.
Busy in school,busy in work,busy in house.
Me,don na ako sa busy sa house kahit nasa bahay lang kami busy busyhan din po kami sa pag alaga ng mga bata,paglilinis ng bahay at pagluto ng kakainin ng buong pamilya ng walang sahod.ahahahhh,that's life.
Morning breakfast po namin is scrambled native egg. Native po sya dahil native talaga na chicken ang umitlog kinuha pa sa kulungan kahapon.
Time to eat.GodBless.
2n1 PANCIT....
Good evening everyone,
Wazzzuppp for dinner?
I called it 2n1 Pancit coz I cooked this earlier for our Meryenda and for tonight's dinner.
Chicken meat,pork liver,skewered chicken gizzards(batikulon) are the ingredients that I'll used to.
So save more,eat more.Happy eating for dinner guys.
Sinabawang/Nilagang Baboy with Puso ng Saging
Hindi ko alam kong ano itatawag ko sinabawan o nilagang baboy dahil hindi naman ako nagluto neto,ehehheh. Bigay ng sister in law ko alam nya kasi na hindi kami nagluto ng ulam ngayon para sa tanghalian dami kasing natirang ulam kagabi kaya sayang naman kong hindi pa namin kakainin ngayon sa tanghalian.
So thankful sa blessings na ito dahil may sabaw sa aming pananghalian. Tara po kain na ng lunch huwag pagutom.
Blessed Sunday
Good Morning Everyone...
Kagigising lang at nagwawalis walis muna sa paligid para pagpawisan.
Maya maya na ang luto ng almusal tulog pa naman ang mga bata.
Nakita ko na naman etong bulaklak na nagtatago sa likuran ng ibang halaman.
Ayaw siguro pahuli sa mga bata,paubos na din kasi sila yung iba nyang kasama pinutol na ng mga bata kaya tagu taguan na daw ang mangyayari sa kanila,haha ginawan ba ng kwrnto.
New Genuia Impatiens pala ang pangalan nya,naeresearch ko lang din.
Ano plan nyo po ngayong araw nato?
Ingat po sa lakad nyo.GodBless.