Yung kukuha ka lang ng larawan sa labas para maipost ng biglang may lumipad na ibon!
Aruyyyyy kopo!sabay takbo...hahhaha
Para akong timang pasigaw sigaw pa.
Ano tawag sa ibon o anong uri ba ng ibon ang lumilipad at tumutunog ng medjo malakas sa gabi?
Maaga pa naman ang 6pm for sure hindi naman nakakatakot na ibon yun,pauwi lang siguro yun sa bahay nya o naghahanap ng makakain nya ngayong gabi...
Tao ba o hayop?whahahhah...
Toinks.
Gandang gabi po sa lahat,wag nyo na pong isipin mga sinasabi ko baka hindi kana rin lumabas ng bahay.nyayayyyy.
Partida sa Spam
Tanghalian na po,bulagaan na .
A slice of spam ang ulam namin for today's lunch.
Parte parte lang po dahil maraming bata ang kakain more than 2 kaya marami ahahaaa. Dahil walang pasok sa school kaya sabay lahat mananghalian.
Kayo din po kain na mahaba pa ang oras sa pagtatrabaho.
Enjoy your lunch.
Salamat Lord sa maagang paggising!
Nakasaing naba ang lahat?
Ako'y gumising na may kasiyahang nadarama sapagkat kami'y may sinasaing pa,ahhaha.
Salamat Lord sa araw araw na binibigay mong blessings lalo na sa kanin itong aking hinahain para kamiy magpapamilya'y mabusog sa buong araw na kami'y magkakasama.
It's a brand new day,it's Weekend everyone.
Sa mga walang pasok jan laba laba na ng mga uniporme at importanteng gamit. At sa may pasok pa naman,ingatan ang sarili at kumain ng almusal bago pumasok para maging alerto at hindi tatamad tamad sa trabaho.
GodBless.
Tonight's viand...
Good evening everyone?
Are you done cooking with your dinner.
Ako katatapps lang din.
Mixed veges like squash,sitaw and talong.
With pork giniling,in short pwede na siguro syang matawag na pakbet ano?hehe
Nasa 3rd photos ang outcome na luto ko.
Napaalat ng kunti ang lasa mga kaingay,lagot ako neto mamaya kay Mister ayaw pa naman non sa maalat.ahhahah
I daan nalang natin sa lambing,Tara po dinner na.
Poinsettia
Good noon po sa lahat,super init po ano?
Inom lang po ng maraming tubig stay hydrated.
Puro flower muna ang topic ko ngayon.
Are you familiar with this kind of flower,it's just only a plastic not an original one,naks!
When I was in grade school Poinsettia ang una kong natutunang gawing bulaklak. Pero hindi as plastic kundi papel,yun ang una naming project for Christmas Decor,kaya kapag nakakakita ako neto hindi ko makakalimutan ang elem days ko na gumawa kami neto. Nagagandahan ako kapag ganito ang decor sa mga Christmas Tree wala lang feel ko lang ang spirit ng Christmas.
Syanga pala umalis yung dalawang bata pagbalik dito sa bahay ito na ang bitbit,kinuha pala nila sa Christmas Tree ng tita nila at pinakita sakin bili na daw ako ng Christmas tree at isasabit nila,hahhaha naloko na.
White Egyptian Starcluster
Good morning it's TGIF,first Friday of the Month.
Kaybilis lumipas ng mga araw ano ilang days na lang ba at maggogoodbye na naman tayo sa taon na eto.
"A__a anong petsa na hanggang ngayon wala kapa ring work?!ahhahha...sabi ko lang to sa self ko..ejejje."sarap maging housewife ehh kahit walang sahod basta may nag aabot ng pera hahah.
Share ko lang etong flower sa post ko,dalawang klase kasi sila kaya nilagyan ko lang ng White Egyptian starcluster dahil may red din kami neto kaso naubos kapipitas ng mga bata kaya White nalang din ang natira don sila masaya eh sa pagpitas ng mga bulaklak at paglaruan..ahhahahha mga bata talaga.
Ginisang Alamang...
Magandang gabi po sa lahat.
Taas kamay po ng kumakain ng alamang jan,Tara po luto po tayo.
Ayyyyehh luto na pala sa 2nd photo.
Napabili bigla si Mister neto,namiss nya daw kumain ng ginisang alamang na maraming sili. Kaya pagpapawisan kami neto mamaya sa anghang,tingnan nyo naman po ang hiniwa kong sili sa dami neto hahahhh.
Pagoda ang mare nyo sa kakakuskos ng labahin kanina kaya maaga na naman ang pahinga.brb.
Ginisang Alamang...
Magandang gabi po sa lahat.
Taas kamay po ng kumakain ng alamang jan,Tara po luto po tayo.
Ayyyyehh luto na pala sa 2nd photo.
Napabili bigla si Mister neto,namiss nya daw kumain ng ginisang alamang na maraming sili. Kaya pagpapawisan kami neto mamaya sa anghang,tingnan nyo naman po ang hiniwa kong sili sa dami neto hahahhh.
Pagoda ang mare nyo sa kakakuskos ng labahin kanina kaya maaga na naman ang pahinga.brb.
Kuskos...Laba....
Umagang kayganda ng sikat ng araw mga kaingay...
Kaya magkukuskos balungos na naman si ako.
Naka 1st batch na ako kanina at etong nakababad pang 2nd batch kona.
Powder at bar ang gamit ko kapag hand washing ako hindi kasi masyadong mabubbles kapag dinamihan mo ng labahan sa isang batya.
Hindi pa rin kasi naaayos ang aming washing machine makakatipid sana ako sa sabong panlaban at sa time management ko. Hindi pa kasi napatingnan ni Mister kong ano ang sira neto.
Yan lang po muna ang maiseshare ko ngayong umaga,busy busyhan muna si ako.
Anong ganap sa inyo mga kafrenny ngayong umaga?
Ang Tuyo.
Gandang gabi po sa lahat
Grabe ang laki na naman ng tyan ko dahil sa ulam nato.
Simpleng ulam pero mapapa unli rice ka talaga.
Tuyong dilis at tuyong tuyo...?tuyong isda na nga lang diko kasi alam kong ano tawag sa tuyong isda nato heheh.
Nakakain na ba lahat?nakowww matutulog ako netong busog na busog,kapag busog talaga inaantok kaagad anoh?hahhaha... basa na nga lang muna ako ng URead bago matulog.
Sige po goodnight na sa matutulog jan.GodBless po and thank you..
Macaroni Soup for lunch...
Magandang pananghalian sa lahat
Who want some macaroni soup with egg?
Egg nalang muna ang sahog dahil walang manok sa ref lumipad na,hehhe
Hindi na nakaabot sa breakfast kanina etong macaroni soup na ginawa ko.
Medyo matigas pa kasi kanina yan kaya sabi ko uulamin nalang namin sa pananghalian total ilang oras lang naman ang aantayin para maluto sya.
Kaya naman enjoy na enjoy ang mga bata ngayon dahil may hot milk daw ang kanilang sabaw.
Ganap kagabi...
Himalang nakatulog kaming lahat ng maaga kagabi mga 8:30pm palang siguro yun usual kasi na tulog namin tuwing gabi is 11pm pagod kasi ang lahat.
Pero nakapagsindi naman kami at nakaalay ng pagkain sa altar para sa aming mga loved ones na namayapa na baka magutom sila at maistorbo kami sa aming pagtulog,hehhe.Pero bago kami nakatulog dinalaw muna kami ng pinsan nilang nakacostume at nakamake up na pang Halloween. Hindi para manakot kundi mamigay ng Candies. Kaya tuwang tuwa ang mga bulilit na yarn. Pero tinago ko agad ang mga candies binigyan ko lang ng tig dalawa ang mga batang yan hirap na baka ubusin nila at sasakit na naman mga lalamunan nila at pagmulan na naman ng ubo. Ohhh diba strict si mama,uh baka naman ako ang kakain?wahhahah.jowk.
Nways,good morning sa lahat huli na ang bati tsika kasi agad. Walang pasok ang ibang mga kids kaya extended na naman ang ingay sa bahay. Ingat po kayo and Godbless.
Kumusta po ang araw ng undas sa inyo?
Ganyan ang weather samin sa 2nd photo kanina ng pumunta kami sa sementeryo. Mainit at maulan kaya medjo natagalan kami sa pag uwi kahit may payong hirap pa ring sumulong sa ulan lalo na at may dala kaming mga bata.
Kapag araw ng mga mahal natin sa buhay na namayapa na ay ipinaghahanda din natin sila at inaalalayan ng pagkain sa altar. At eto ang pancit at biko ang naging preparasyon namin para sa kanila.
Naway masaya sila sa araw na ito,pero palagi naman natin silang inaalala sa puso at isipan hinding hindi natin sila malilimutan o kinakalimutan.
Sige po maaga po kaming matutulog ngayon feeling tired po kaming lahat. Goodnight and thank you donor's.
Tanghaling tapat,Bibingka ang katapat...
Tara nat pagsaluhan natin ang inorder naming bibingka. Pagkatapos kumain ng pananghalian kain naman ulit. Walang tigil na kainan.ejejehhh
Mamaya maya lang ay gogora na kami papuntang sementeryo. Makipag dotdotan sa maraming tao. Pero maluwag naman sa pupuntahan namin for sure hindi rin matraffic.
Ano po mga handa ninyo jan patikim naman.
Good Morning everyone
Say HELLO to November...kumusta ka naman Nove sanay maging Good ka saming lahat.
Araw ng undas ngayon salamat Lord at maganda ang sikat ng araw sana hanggang maghapon na para tuloy tuloy ang pagbisita ng karamihan sa atin sa mga mahal natin sa buhay na namayapa na. Pwede naman natin silang dalawin araw araw pero mas feel natin talaga ang araw na ito.
Pero bago ang lahat mag almusal na muna tayo baka mamaya gutumin tayo sa pagbisita sa kanila. Heto ang naihanda kong almusal ngayon umaga. Fried Bangus and Pancit canton. BRB,busy busyhan na mamaya.God Bless.
Here's the outcome of my Atsara that I posted earlier...
Atsarang Papaya is an appetizer made from pickled green Papaya.
Late na ulit makaupdate.
Marahil mag iisip kayo o magtatanong bakit may talong at sitaw sa atsara namin? Usual lang kasi na gawa eh carrots,sili,luya,sibuyas.Kasi po ganito yun at para maiba naman po bastat pampamilyang luto o gawa damihan na natin ng gulay. At dahil may tanim sa paligid namin ng talong at sitaw kaya try naming haluan neto,half cook lang po ang pagluto neto hah para mafeel mo ang lasa. Parang pinakbet lang ang dating,hahah. Pero masarap sya mga kaingay try nyo din po. Hindi man masyadong perfect ang pagkagawa pero naiangat naman sa tamang timpla ng suka.
Pwede na daw akong magsimula ng business sa pag aatsara pero may kulang lang. Puhunan. Arayyyyy.
ATSARA...
Gandang Hapon sa lahat.
Hayzzzz nabusy ang kaingay nyo mga frenny...
Eto ang ginawa ko buong araw at hanggang ngayon hindi pa rin ako nakatapos.
Kaninang umaga nagkuskos ako netong mga papaya. Natuloy na rin sa wakas ang paggawa namin ng atsara dahil may nag sponsor sa mga ingredients at walang iba kundi ang aking butihing biyenan...
Yes po si biyenan po ambait diba,gustong gusto nya talaga ang atsara kaysa daw ibigay namin sa mga kapitbahay ang bunga ng papaya na natumba nong nakaraang araw dahil kay Paeng eh kami nalang daw mismo ang gagawa at kakain neto.
Heto ang mga gagamitin naming gulay sa atsara,carrots,talong,sitaw. Ang mga luya,sibuyas at sili ay hindi kopa.nahiwa sabi ko kay self magpopost muna ako dahil mamaya pagoda na ang lola nyo,ahhahha.
At for the very first time ko po itong gagawin nanghingi napo ako ng tulong sa mama ko kasi sya talaga ang expert sa paggawa neto kaya Goodluck Self!ahhahahh
Isda!Isda kayo jan🔊sigaw ng magpopotpot...
Buti nakadaan si mamang potpot ngayong umaga,
Habang nagtatawag din ako dito sa itaas hindi nila alam na kinukunan kona pala sila ng picture ejejeje
Sabi ko hintayin nyo ako jan sa baba,hahaha....
Ayon nahintay naman ako takaw picture ako ngayong umaga pero hindi kona kinunan ang tinda nilang isda as usual isdang SapSap at Bangus ang tinda nila.
Manaya naya na ang umaga,maganda na ang sikat ng araw sana hanggang bukas ganito rin. Mas feel namin kasing makipag dotdotan sa maraming tao para magbisita sa mga mahal namin sa buhay na namayapa na. Sanay hindi muna dadaan si Queenie bukas sa lugar namin ano,at sana sa inyo rin.
Ingat po ang lahat..
Tampororot Evening...
Ramdam nyo rin ba kapag nagtatampo ka masakit sa dibdib,masakit sa ulo,hindi mapakali at gustong sa kwarto na lang magmumukmok.
Iiyak sa sulok at ibubulong nalang sa pader ang hinanakit.
Hindi simpleng tampo at may bahid ng hinanakit.
Gustong sumigaw ngunit di magawa sapagkat ikay nahihiyang marinig ng iba?
Hayssss buhay may asawa sadyang lawakan ang pag iisip at pag unawa.
Habaan ang pasensya sapagkat mahal mo sya!
Ngunit hanggang kaylan,hanggang saan aabot ang pagtitimpi.
Pero wag naman sanang umabot sa punto na ikay mapapagod na.
Sapagkat may mga anak kang nakatingala at masaya kapag kapiling kayong magulang nila.
#Bow
#TampoSaAsawa
Sunday Lunch
Baboy with Monggo,kaya Monggo Sunday,ehhehe
Maulan na pananghalian sa lahat...
Nonstop napo ang ulan kaya hindi talaga kami natuloy sa aming lakad,kaya dito nalang kami maglalakad sa loob ng bahay,ahhahahh..waleyyyy.
At dahil may baboy pa sa ref namin last day pato at maraming monggo sa bahay from feeding program ng aking mga pamangkin kaya eto naka save sa ulam,nakasave na sa money,nakasave pa sa iisipin ng ulam. Ohhh ayan kainan nah..
Kain na din po kayo mga kaingay..
Good Morning World...
Today's Sunday time to get up either the weather is not well,pabago bago ng takbo.Alam nyo ba mga around 6am sumikat na si haring araw dito samin kaya tuwang tuwa kami dahil matutuloy talaga ang lakad naming mag anak.Kaya lang ngayon ngayon lang din bumuhos na naman ang ulan. Hayssss
Hindi kona tuloy alam kung matutuloy kami sa lakad namin o hindi.
Heto nga po pala ang niluto kong breakfast Pork Longganisa + Scarmbled Egg. Matuloy man ang lakad o hindi panatilihing busog ang tyan kaya breakfast breakfast na mga ka frenny.
#BlessedSunday
#StaySafe
Iba't ibang uri ng Halaman...
Tahimik na ang paligid,salamat Lord humupa na rin ang ulan at hangin. Sanay mamayang gabi ay tuluyan na talagang mapayapa ang gabi sa aming pagtulog para wala ng alalahanin pa.
Bisita muna tayo sa aming mga halaman,madami pa sila pero yan lang muna ang maibabahagi ko. Buti at hindi sila naapektuhan ng bagyo,dati kasi nakakalbo sila tuwing malakas ang ihip ng hangin at pagbuhos ng ulan,at ang iba sa kanila'y naitabi naman muna bago ang pag ulan. Ganyan sila kaalaga ng aking byenan,syempre pag wala si byenan ako naman ang nakatukang tumingin at mag alaga sa kanila.
Papagabi na po ano pong uulamin natin jan?
Boiled Egg w/ sauce for lunch..
Nilagang itlog na may sawsawan para sa pananghalian..
Eto po ang aming ulam sa pananghalian,parang nagbebreakfast lang po kami,ehhehe.
Kaso hindi naman talaga kami nagbreakfast ng heavy,coffee and milk lang kami kaninang umaga.
Atsaka para wala ng hanapan ng ulam sa labas naglaga nalang ako ng itlog for us at para madali walang hassle dahil sa maulan nga sa labas at madulas ang daan.
Nilagyan ko ng sauce na sweet and spicy nasa 2nd photo para malinamnam pass na muna ang asin jan,try nyo po isawsaw sa sauce nato at masarap.
Kumusta na po ang weather jan sa inyo?hopefully and I pray na matigil na to para maging maayos na ang lahat dahil ilang araw na lang undas na.
Rainy Weekend
Kaylamig ng umaga,haysss hindi ako halos nakatulog magdamag dahil sa walang tigil ang ulan simula pa kagabi hanggang ngayon. Buti na lang nagising ako around 3am kanina at napasilip ako sa aming munting sala ayyy bumabaha na pala sa loob dahil may tumutulo mula sa itaas may sira na namang bubong. Kung hindi pa uulan hindi pa malalaman na nadagdagan na naman ulit ang butas ng aminh bubong,hay buhay,ahhahha...itawa nalang natin ang bagyo.
Ang mga larawan na yan nakuna ko lang dito banda sa labas ng aming bintana dahil nga umuulan pa din. Ligwak na sa pangalawang photo ang papaya ni kuya,hayyy nakakasad wala ng pansahog sa tinola. Nagpaplan na kaming gumawa ng atsara ewan ko lang kung may budget pa si Mister.
Nways,happy weekend sa inyo jan sa hindi apektado ng bagyo enjoy lang kayo sa araw nato. GodBless.
Kopiko Black...
Magandang hapon po sa lahat,inum po tayo ng kape,kopiko Black ang napili kong inumin kahit hindi ko fav dahil magkasing kulay sila ng alagang aso ng aking kapatid,walang halong biro,pramiz.
Pinagluluksa namin ngayong hapon ang pagkamatay ng alagang aso ng aking kapatid. Gusto ko syang damayan kaso medjo malayo sya samin. Nabasa ko sa gc namin kani kanina lang paggising ko. Nasasad ako para sa kapatid ko kasi sanggang dugo nya yung alaga nyang aso,kahit saan sya magpunta kasa kasama nya eto. Hindi kakain ang aso nya kapag hindi sya kasama,hindi matutulog ang aso nya kapag hindi pa nakauwi kapatid ko galing sa pamamasada. Hindi sya nagpapaligo sa iba,gusto nya ang kapatid ko lang. Makikita namin na mahal na mahal nila ang isat isa. Noong minsan naligaw ang alaga nyang aso at hindi nakauwi sa bahay ng isang gabi hinanap nya talaga ito magdamag at umiyak ng hindi nya mahanap,parang anak nya rin talaga ang aso na yun. Hayzzz kaya ngayong araw nato ang pinaka malungkot na araw ng kapatid namin,dumagdag pa ang bagyo.
Pasensya na at wala akong larawan ng alaga nyang aso,basta kulay Black at medjo matangkad at walang breed.
Halina't idaan natin sa paghigop ng mainit na sabaw ang lamig ng panahon.
Magandang Pananghalian, Sinabawang isda po ang aming ulam ang Bangus o Milk Fish.
Sanay humupa na po Panginoon ang bagyo dahil marami na sa kapamilya namin ang apektado ng pagbaha. Naway gabayan nyo po kaming lahat sa pagbugso neto at mabawasan naman ang lakas ng ulan at pag ihip ng hangin.
Tara na pong kumain para may lakas tayong lahat sa pagharap sa bagyong ito.
It's better to say Good morning even if the weather is not so good in our place. The class here are suspended again due to this bad weather. We're not belong to any signal that reported of some news but still we feel the strong wind and light rain of this typoon Paeng.
But still be alert and prepared whatever happens.
Alright guys naway panandalian lamang ang hatid ng bagyo sa ating bansa. Ganito talaga ang nangyayari kapag malapit na ang undas ano may bagyo..feel nyo rin ba..
Ingat po tayong lahat.GodBless po.
Good evening everyone...
Inihaw na Tuyo +Okra for dinner.
Eto po ang ulam namin ngayong gabi,simpleng ulam pero nakakagana at nakakabusog ng tyan.
Inihaw po ang tuyo namin dahil wala na pala kaming mantika,nakakatamad namang lumabas dahil sa ulan at ihip ng hangin sa labas.
Maanghang na suka nalang ang kulang at taga kain syempre.
Masarap pag mainit pa silang kainin,kaya Tara po at sabayan nyo po kami sa aming simpleng hapunan.
It's lunch time...
Chicken Tinola Again.
But this time hindi na native,this week 2x na ako nakakain ng chicken tinola sa pananghalian.
My mother in law cooked this chicken tinola.
Sipping hot soup is just right in cold weather today.
Hopefully humupa na ang ulan tuloy tuloy na din sana para makapagsampay na rin ng mga labahin sa labas.
Let's eat guys,don't skip your lunch.
Wazzz up bagyo?
Hindi talaga paaawat itong si Paeng.
Buti na lang maagang nanawagan si Mayor sa lahat na walang pasok ang mga student dito saming lugar.
At hindi rin paaawat ang mga batang ito sa pagkuha na naman ng mga bulaklak ni Inay. Tumila lang ng kunti ang ulan at sabay na lumabas ng bahay para pumutol ng mga flower na ito gagawin daw nilang Prinsesa ng mga bulaklak itong aking panganay. Kaya pala ang ingay nila sa labas.
Haizzzzt mga katuwaan ng mga bata hindi talaga mapipigilan. Kaya hayaan natin sila mag enjoy sa kanilang kabataan swerte lang nila dahil nakapaglalaro pa sila ng ganito,may mga kabataan ngayon na nagtatrabaho na at hindi ma enjoy ang kabataan. Kaya let them be.
Huwag lang sana maubos ang mga bulaklak sa paligid,hahah.