Kopiko Black... Magandang hapon po sa lahat,inum po tayo ng kape,kopiko Black ang napili kong inumin kahit hindi ko fav dahil magkasing kulay sila ng alagang aso ng aking kapatid,walang halong biro,pramiz. Pinagluluksa namin ngayong hapon ang pagkamatay ng alagang aso ng aking kapatid. Gusto ko syang damayan kaso medjo malayo sya samin. Nabasa ko sa gc namin kani kanina lang paggising ko. Nasasad ako para sa kapatid ko kasi sanggang dugo nya yung alaga nyang aso,kahit saan sya magpunta kasa kasama nya eto. Hindi kakain ang aso nya kapag hindi sya kasama,hindi matutulog ang aso nya kapag hindi pa nakauwi kapatid ko galing sa pamamasada. Hindi sya nagpapaligo sa iba,gusto nya ang kapatid ko lang. Makikita namin na mahal na mahal nila ang isat isa. Noong minsan naligaw ang alaga nyang aso at hindi nakauwi sa bahay ng isang gabi hinanap nya talaga ito magdamag at umiyak ng hindi nya mahanap,parang anak nya rin talaga ang aso na yun. Hayzzz kaya ngayong araw nato ang pinaka malungkot na araw ng kapatid namin,dumagdag pa ang bagyo. Pasensya na at wala akong larawan ng alaga nyang aso,basta kulay Black at medjo matangkad at walang breed.
5 comments
Mapait yan no sis hehe may sipa pakape po..
Hindi ko kaya ang black coffee mas mapait at matapang yan for me.
Naku! Kala ko same tayo ng brand sa kape sis hehe yan ang kinakape ko kapag ayaw kubg antokin at madmai akong agagwin.
Kakasad nmn sis at nwla na aso nya. Mbait ksi mga aso Lalo na pg minahal at inaalagaan tlga.
kawawa naman siya m8 sna makayanan niya ang pagkawala nang aso niya