Fresh Buko Good morning Tuesday... Good morning sa lahat mga kaingay,fresh buko po ako ngayong umaga. Mas mainam daw inumin ang sabaw ng buko sa umaga kapag may dinaramdam ka sa pag ihi or UTI. Nagulat ako kahapon kasi hindi naman ako nagpabili kay Mister neto buti nalang ang tindi ng instinct nya iniisip ko pa lang na sana iinum ako neto bukas ng umaga kaso hindi ko sya nasabihan,at ayon pag uwi nyay may bitbit na syang dalawang piraso ng buko. Parang magka ugnay yata ang isip naming dalawa,hahah. O talagang naiisip nyang bilhan ako kasi dati ganito din ginagawa nya pag nagkaroon ako ng uti agad agad bibili sya ng buko. Alright mga kaingay nakaalis na mga estudyante natin jan sa bahay kaya umpisa na ng maghapong pananahimik sa bahay,ayyy hindi pala may mga bubuwet pa palang naiwan,hehhe. Sige po Godbless po and ingat.
5 comments
ang galing nya po ah alm nya n agad hehhe mainam nga po yan .. puro sya
Answit! Mas maganda po talaga ang fresh buko kesa umimom ng gamot. Ganyan rin po kapatid ko.
Mainam talagang inumin ang sabaw ng buko kapag may UTI at inom na rin ng maraming tubig sis. Napakathoughtful ni hubby talagang nararamdaman din niya sis na kailangan mo kaya bumili na siya kahit hindi mo pa sinasabi.
Sweet naman ni hubby, sarap talaga ng buko juice
Ang galing, iniisip mo pa lang sissy, binilhan kana ni mister mo