Lunch ko kahapon... Skl ang kinain kong lunch kahapon,medjo sumiba ako kahapon dahil enjoy na enjoy ako sa food. Seafoods at karne ang niluto nila mama kahapon dahil minsan lang kami makadalaw don sa mismong lugar ko. Nakakamiss umuwi don kung pwede nga lang araw arawin kaso mahal na pamasahe at may sarili na din akong pamilya. Tama na tong emote ko,lunch time na mga kaingay,enjoy your lunch everyone.
2 comments
Pag ganyan ulam talagang mapapasarap ang kain sis lalo na at kasama ang pamilya.Yun na nga noh!pag may sarili ng pamilya bihira na lang makauwi sa magulang.Kong pwede lang eh magkakasama padin...
Ang sarap ng lunch mo ka-ingay. Kahit sino, mapapadami ng kain!