Karpa Fish with Cassava Leaves Magandang umaga foodie people... Magandang umaga sa lahat mga kaingay... Eto na pala ang ulam namin kagabi na niluto ng aking butihing byenan. Hindi ko naipost kagabi. Pinaksiwan pala sya mga kaingay na nilagyan ng balinghoy leaves o cassava leaves. Masarap ang lasa paksiw na paksiw talaga mga kaingay,bagay din pala sa paksiw etong dahon ng balinghoy ngayon ko lang din nalaman hahhah hindi kasi ako marunong mag experiment ng kung ano ano sa pagluluto simpleng paksiw lang talaga ang aking alam yung suka at luya lang,now I know.
3 comments
Ngayon ko lang din nalaman sis ang alam ko dahon ng saging ang nilalagay dito sa paksiw para bumango pwede rin pala ang kamoteng kahoy na dahon hehe
hala pwde pala ang cassava leaves ka noise madalas kasi nakikita ko dahon nang saging hehe
Ngayon ko lang ulit narinig ang karpa na salita ng isda sis. Sa Mindanao ko lang yan narinig noon eh Ako din sis ngayon ko lang nalaman sa post mo masarap pala yan ihalo sa paksiw na isda hihihi