An Atis Sino pa hindi nakakakilala sa prutas na ito taas kamay?hehehhh ito pala meryenda ko ngayon. Alam nyo ba ang kwento sa likod ng prutas na ito? Magkwentuhan muna tayo ngayong hapon kung naaalala nyo ang kwento ni Teacher nong grade school nyo o natin,heto po sya. Ang ATIS ay galing sa salitang "ATIN" na ibig sabihin ay para sa lahat. Sa isang kweba nagsimula ang lahat. Walang mapagkunan ng pagkain ang mga tao sa nayon dahil dinaanan sila ng napakatinding dilubyo,bagyo,sakit,gutom atbp. Ang batang babae na nawawala isang linggo ay dito pala napadpad sa isang kweba na maraming pagkain tulad ng gulay at prutas. Sa pagiging sakim ng mga kapitbahay ng batang babae dahil hindi sila nakuntento sa bigay neto sinundan nila ang bata at dito natagpuan din nila ang isang kweba na pinagkukunan ng batang babae ng pagkain. Kalaunay winasak nila ito dahil gusto nilang kunin lahat ng pagkain dito napasigaw ng pagkalakas lakas ang nasa kweba at kumulog at kumidlat ang kalangitan. Unti unti nawala ang kweba at pinalitan ng isang puno. Humingi ang mga tao ng patawad sa bata sa pagiging sakim nila. At doon tinawag nilang "ATIN" ang puno na para sa lahat. Kalaunay naging "ATIS" ang tawag dito. At yan po ang aking kwento, lesson wag maging sakim makuntento sa kung anong ibinigay at magpasalamat. Gets nyo ba ang pagkahaba haba kung kwento sanay naibigan nyo mga kaingay.Nabasa ko lang ulit yan sa kwentong pambata kay naeshare ko tuloy dahil kumakain ako ng Atis.
2 comments
Masawap nga po yan problema mawaming buto ahaha.Pero maganda yong kwento nyoa may aral gabi po sa inyo dyan mate.
Isa sa mga paborito kong prutas. Dati may puno ng atis sa bahay ng lolo't lola ko.