Karne with Kalabasa Luto na po ang ulam namin ngayong gabi. Salamat naman at hindi kami natagalan ni Mister sa pagluto netong karne. Medjo umabot lang sya ng dalawang oras pero ok lang mag antay basta malambot ang karne. Kaysa madaliin sa pagluto at makunat naman. Minsan kasi umaabot kami ng tatlong oras kapag palpak yung nabiling karne ni Mister eto ngayon medjo sinuwerte sa pagbili si Mister sa suki nya. Petchay po at kalabasa ang kasamang gulay ng karne. Tara po dinner na po tayong lahat.
1 comment
Mas masarap nga naman kainin ang karne kapag malamabot lalo na kapag sinabawan :)