Hello, I’m just new to this thing so bare with me pls.
Meron akong nakitang post sa fb na after this pandemic we should immediately check our mental health because mental health is also very important. Actually my experience ngayon parang nakakadepress dahil sa quarantine parang mas lalong natrigger utak ko isipin uli yung mga naranasan kong trauma simula elementary ako hanggang ngayon. So parang inaatake ako ng anxiety ko gabi gabi halos palagi madaling araw minsan iiyak nalang ako ng walang dahilan or parang na fefeel ko na may kulang saakin or feeling ko sad lang ako or yung feeling na emptiness. Sa iba ang ginagawa nila ngayon is focus sila sa glow up and growth ng soul nila ngayon na quarantine actually yan din naman mindset ko ngayon kaso hindi ko lang talaga maiwasan magisip magoverthink ng mga bagay bagay. Ang hirap feeling mo wala kang makausap or wala kang masharan problema mo kasi feeling mo wala sayong makakaintindi. Sa labas ang saya saya mo ngingiti-ngiti kapa, pero sa loob halos mamatay-matay kana sa sakit na nararamdaman mo na ikaw lang ang nakakaramam at makakaintindi. Minsan nga di mo pa maexplain kaya mas mahirap. Pero alam ko naman na hindi habang buhay malungkot lang ako at alam kong hindi ako papabayaan ng diyos, think positive always. Okay lang magpahinga basta wag sumuko, iiyak mo lang ng iiyak hanggang sa bumuti uli pakiramdam mo at gumaan tapos laban uli ganyan lang ang buhay eh.
yan lamang po at gusto ko lang ma share ang random thoughts ko about this quarantine.