Unang beses ko mag biyahe Ng malayo kasama ko Ang pamilya syempre punta kami SA probinsya Ng misis ko SA burias island una akala ko ay ok Lang bumiyahe Ng malayo. Galing kami Ng Rizal Rodriguez at pauntang cubao sakay kami Ng Fx pagdating SA cubao hirap pala sumakay don Ng pa pioduran Kaya nag disision kami SA Pasay dahil meron din masasakyan don na bus. Putik na Yan pag dating namin SA terminal ay kailangan pala Ng booking SA bus na aircon Kung magpapabooking kami ay kinabukasan kami makakaalis Kaya nag disision nalang kami na ordinary nalang kami sumakay at Ang oras Ng biyahe Ng bus ay 1pm at nakabili kami Ng ticket tatlo para magkakatabi kami SA tatlohan upuan puro apat kami dahil dalawang bata Ang kasama namin isang 6 at 8 years old. Nag magsakayan na ay grabi pala pag ordinary punuan pala Ang sakay at dami pa mga gamit.syempre init nag uumpisa Ng umalis Ang Amin bus at napreskuhan din dahil SA hanging na humahampas SA Amin. Sawakas at umpisa na Ang biyahe namin papuntang pioduran. Habang NASA byahe na tuwang tuwa mga anak namin Kasi unang beses palang nila it na bumiyahe at dami sila na nakikita na Hindi pa nila nakikita Lalo na Ang mga naglalakihan building SA Pasay at ganun din ako at habang palayo na kami Ng maynila ay lalo ako na excited. Kasi unang beses ko pupunta SA probinsya Ng misis ko at paglampas na namin Ng Laguna at batangas pa Quiezon na kami at biglang huminto SA gas station Ang bus para magpagas at tumigil mga 4:30 biruin mo nasiraan daw Ang bus at nag ayos Ng gulong dahil mahina daw Ang preno Kaya Wala ka magawa kundi mag intay at Ng maayos dahil para Naman SA kaligtasan namin un. Ang pagkakaalam ko Ang biyahe pa puntang pioduran ay 14 hours Kaya SA malamang baka 24 hours na biyahe namin Kasi mag babangka pa kami Ng 2 oras. Nung natapos na Ang paggawa ay Gabi na Kaya diretso na byahe namin at pagdating Ng mga 9pm tigil ulit para kumain SA mga tinitigilan Ng mga bus. At deretso ulita Ang byahe kahit na madaling araw. Dahil NGA SA unang beses at Hindi ako makatulong SA byahe kahit tulog na Ang mga anak ko at misis ko Ewan ko ba Kung bakit at bandang 3 am Ng madaling araw ay tumigil ulit ang bus. Sa kainan para mag kape at ganon din Ang mga pasahero at nagising din Ang misis ko at anak para umihi at nag kape na din kami pag katapos ay tuloy ulit Ang byahe. Inabot na kami Ng umaga SA bicol at nakarating kami Ng pioduran ay alas otso trenta Ng umaga. At nakasakay kami Ng bankang de motor Ng 9am at syempre masaya Kasi kasabay namin Ang mga flying fish. At masaya din Ang mga Bata. Halos 2 oras Ang byahe namin papuntang burias island. Pagdating namin SA island ay andon na Ang mga kamag anakan Ng misis ko para sunduin kami. Sakay Lang kami Ng mga motor na habal buti nalang ay bagong gawa Lang Ang mga kalsada don at ok Ang Amin byahe siguro at mga kalahating oras dahil SA kabilang bahagi Ng island sila nakatira at pag dating namin ay sold talaga dahil sa gubat pala sila nakatira at bulubundokin lugar ayos Ang hanging sariwang sariwa at may nakahadang pagkain na ginataang native na manok Kaya malasa at masarap tangal Ang pagod at kahit antok na antok ako ay Hindi pa ako natulog pinasyal muna kami Ng asawa ko SA mga kamag anakan nya at kahit umulan ay go Lang kami at naligo na din kami SA bukal na kinukuhan nila nv tubig na pang inom nila malamig ang tubig at malinis walang amoy fresh na fresh daig pa Ang mineral water SA maynila SA sarap Ng tubig tangal Ang pagod. Pag dating Ng 3pm saka palang kami nakapag pahinga pero Ang mga Bata at naglaro na SA paligid Ng bahay dahil may mga tulog Naman sila Kaya ako nalang Ang natulog at nagising ako Ng 6pm at kumain ulit at may pupuntahan pa kami na sayawan dahil may ikakasal daw na pamangking Ng asawa ko kinabukasan. At lumakad na kami SA kadiliman Ng Gabi ang dala Lang namin ay isang flashlight SA gubat kami dumaan maingay Ang mga ibon SA hulihan at Kung ano ano pang mga huni Hindi naman nakakatakot dahil deretso Lang Ang Amin paglalakad at rinig din namin Ang ingay Ng musika don SA may sayawan kahit malayo pa kami dahil NGA probinsya Ang ingay don ay huni Lang Ng mga ibon.at pag tumingin ka SA langit kitang Kita mo lahat Ng star SA kalawakanna Hindi mo nakikita SA kamaynilaan Kaya cool diba. Pagdating SA sayawan ay kainan nanaman ayos pag maykasalan palang nagaganap SA probinsya at Ang kamag anakan Ng lalaki ang lahat umaasikaso SA lahat at parang Reyna Ang babae at Ang pamilya nito at sobrang asikaso Naman Ang pamilya Ng lalaki. Kaya nakatikim tuloy ako Ng nilagang kalabaw sarap. At pagkatapos nun ay sayawan na nga at inuman Ang pinaka sikat na alak don ay Ang gin o kuatro kantos Kaya nakipag inuman na din ako at may sabitan pa Ng pera SA mga ikakasal Kaya nakisabit na din ako at pag katapos at ginawa pa ako na tigabilang Ng pera Ng nakuha Ng lalaki. Kasi Ng taga maynila daw ako. Pagkatapos ay balik SA inuman at nanood Ng sayawan at nakisayaw din kami ni misis ko. At hating Gabi na natapos ang sayawan at don na din kami natulog SA kapatid ni misis. At kinabukasan ay gala na naman kami at kumain Ng mga buko dahil buko farm un a koprahan. At nag punta uli kami SA bukal at don uli kami naligo sarap at malamig and tubig at tahimik Ang paligid dahil NGA gubat ang lugar at kami Lang Ang Tao SA paligid puwede ka NGA tumae Kung saan saan don Basta tago ka Lang hehehe. Kaya napakasaya ng bakasyon namin nayon at naligo din kami SA dagat at kinabukasan ay kasalan na at kainan at sabitan uli Ng pera SA ikakasal ayos laki Ng kinita Ng kinasal 😁 at pagkatapos ay sa Gabi ay video oke Naman at Kaya sulit talaga Ang bakasyon Namin tatlong bahay ata natuloyan namin at SA Amin pag uwi ay binaonan pa kami Ng buhay na manok at dahil Wala silang daing bumili nalang kami. Para pasalubong SA pag uwi. At balik byahe na ulit kami sawakas ay nasunod Ang oras ng Amin byahe na 14 to 15 hours. At nakarating kami SA cubao at mga 12 Ng Gabi at nakarating kami SA bahay SA montalban ay 1:30 Ng madaling araw Kain muna dahil SA gutom SA biyahe at mga 3am na kami nakatulog At 10 am na kami nagising kinabukas Ng liggo Kaya sulit talaga Ang bakasyon. Kaya SA sunod na karanasan ko ay ikukuwento ko ulit. Salamat SA makakabasa Ng kuwento ko. God bless you to all.
0
11
Sarap naman po magbakasyon sana pala ako ay makaranas rin