Today is my Birthday + Evening random thoughts

1 15

Good evening po sa inyong lahat mga kababayan, tagalog nalang po ang aking sasabihin para hindi na ko mahirapan mag check ng grammar ko sa english at baka ako pa ay ma nosebleed heheπŸ˜†.

Nais ko lang magpasalamat sa araw na ito dahil sa panibagong araw nanaman ang ibinigay sa akin ni lord, ngayon ay ganap na kong 20 years old at nakaraos na sa pagiging teenager hahaha, narealize ko na nakakamiss at masaya talagang maging bata pero need talaga natin na maging matatag habang tayo ay tumatanda sa pamamagitan ng pananampalataya kay Lord. πŸŽ‚πŸŽˆ

Nagpapasalamat ako sa gabi na ito dahil merong bumati at nakaalala sa kaarawan ko kahit madaling araw na. Wish ko lang ngayong birthday ko is maabot ko yung pangarap ko sa buhay at magkaroon ng maayos na buhay at lagpasan ang mga bawat pagsubok na ibinigay sa akin na tadhana na galing sa may kapal.

Ako ay masayang magbahagi at sana kung nababasa mo man ito ay wish ko din sayo na maging maayos ang iyong buhay at mapagtagumpayan mo ang iyong hangarin. Sana matapos na itong pandemic para party party na ulet sa susunod hehehe. Pasensya na kung dito ko nilabas yung pasasalamat ko gusto ko lang na may mapag libangan ngayong gabi at makakilala ng mga kaibigan muna dito sa site na to na kapwa ko din pinoy. Gusto ko lagyan ng picture ito pero wala pa akong handa dahil madaling araw palang dito hahaha.

Sana maging masaya itong araw ko ngayon at kung hindi man maging masaya, ang wish ko ay maging masaya ang mga mahal ko sa buhay. May mga times na malungkot ako at napapaisip kung ano nga ba talaga ang halaga ko sa buhay, kung matutupad ba ang mga pangarap ko o hanggang pangarap nalang ba. Napapaisip ako na bakit kailangan pa natin na mag hirap e hindi naman tayo siguro buhay para dito. Pero habang tumatagal naisip ko, kaya siguro tayo nakakaranas ng mga ganito dahil ba sa kailangan natin ito para tumatag o magkaroon ng koneksyon sa diyos? o baka naman dahil baka normal ito at parte ito ng pagkatao natin upang tayo ay mabuo. Kung ganon bakit hindi pantay pantayπŸ€”. Hehe pasensya na po kung bigla akong nag iba ng topic. Basta ang alam ko masaya ako at dahil buhay pa ko ngayon at sana umabot pa ako ng matagal at mabuhay hanggang sa gusto ko hehe.

Salamat po sa inyo kapwa filipino na nagbabasa nito. ang laking tulong nitong readcash upang makapag lahad ako ng mga gusto kong sabihin na hindi ako nakikilala at ito ang nagiging daan ko para ako ay makaiwas sa labis na pag iisip. sana mayroong tao akong makaugnayan sa inyo sa susunod na araw kung nababasa niyo ito. salamat sa paglalaan ng oras kahit na bago palang ako dito hehehehe. Best Wishes sa inyong lahat mga kapwa readcash users na pilipino.

Sa tingin ko tayong mga pilipino ang pinakamaraming gumagamit ng read cash kasunod natin ang mga indiano hehehe. sana magkaroon ng data dito kung sinong bansa ang gumagamit ng readcash para mas malaman natin kung english pa dapat ang isulat o tagalog. ayun lang po salamat sa oras sa pag lalaan para mabasa ito sana di po kayo mamatayπŸ˜†. Muli ito ang inyong lingkod na si information overload ngunit hindi mag bibigay ng impormasyon sa aking pagkakakilanlan upang matukoy kung sino talaga ako ahihihi. Have a nice day mga kaibigan peace po tayo hehe.

Happy Birthday to me πŸŽ‚πŸŽˆπŸŽ‚πŸŽˆ See you soon po sa inyo. God bless po sa inyo and matulog ng tama sa oras upang hindi nagkakasakit. Wala lang po ang saya saya ko lang ngayong gabi πŸ˜†πŸ˜

2
$ 0.00

Comments

Happy Birthday kababayan!

$ 0.00
3 years ago