6
20
Sabay sa pag buhos ng ulan
Ang pag tulo ng luhang kanina
pa pinipigilan
Ngunit hanggang kailan?
Wala ba talagang katapusan?
Binigyang kulay ang mundo ng sabay
Sa iba ikaw naman ay nag pa tangay
Sa ganda niyang taglay
Bakit ika'y bumigay?
Pangakong hanggang dulo
Biglang gumulo
Ng sa mundo natin siya'y
naki halubilo
Ilang beses kong hinanap ang mali
Baka sakaling akin pag matahi
Para sana mabawasan naman ang hapdi
Kung alam ko lang sana na magkaka ganito
'Di sana hindi na kita pinag buksan ng pinto
Wala sanang luha ang tutulo
Ng dahil sa pangakong napako
Heyyy <3 Who are you in real life?