Kaniyang Pinahihiga ako sa sariwang Pastulan

0 8
Avatar for Inahad
Written by
4 years ago

Mapagpalang araw po sa ating lahat

Awit 23:2a part 1

Kaniyang Pinahihiga ako sa sariwang pastulan

Ang mga tupa ay hindi katulad ng ibang hayop. Hindi basta basta sila humihiga dahil sa kanilang katangian. Kaya kailangan ng tulong ng Shepherd para sila ay mapahiga. Ang tupa ay kailangang malaya sa takot, pagkabahala, pagkayamot, at kagutuman. At tanging ang Shepherd lang nakakaalam kung ano ang dapat gawin para mapalaya sila sa mga nabanggit na pagkabalisa.

Una, ang mga tupa ay mabilis matakot. May sumulpot lang kahit na kuneho, magugulat at tatakbo na ito. Pati ibang tupa, gagaya na rin kahit hindi alam ang naging sanhi. Kaya ang gagawin ng Shepherd, todo ang bantay Nya. Titignan lahat ng bagay na maaaring ikagulat ng mga tupa. Nagdadala din Sya ng pamalo para itaboy ang mga posibilidad na bagay o hayop na magbigay sa mga tupa ng takot. Dahil alam ng mga tupa na may nagbabantay sa kanila, kampante ang mga tupa. Ang takot nila ay nawala. Ganoon din ang Kristiano, noong tinanggap natin si Hesus. Lagi na Nya tayong kasama. Nang nagkaroon ng covid, marami ang natakot at nagpanik din. Pero sa isang Kristiano, kampante tayo. Dahil kasama natin ang Dios. Hindi Nya tayo pababayaan. Alam nating kumikilos ang Dios para din sa atin. Makakahiga ang tupa dahil kuntento sya sa pagbabantay ng kanyang Shepherd.

Pangalawa, sa mga kawan ng tupa, mayroon dyang malalakas na tupa, mataas ang tingin nila sa kanilang sarili kaya nagkakaroon ng pagkabahal sa ibang mahinang tupa. Ang ibang mahina hindi makahiga at laging nakatayo para protektahan nila sarili nila. Katulad sa mga Kristiano, na matataas din tingin nila sa kanilang sarili. Dahil dito, naiiba ang trato nya sa mga mahihina. Nagkakaroon tuloy ng sama ng loob, inggitan, pag aaway away at pagkawalang-kasiyahang loob. Kaya lagi niyang pinagtatanggol ang sarili nya o gumagawa ng paraan para hindi sya magmukhang mahina. Kaya tuloy, hindi sya makahiga. Ang kailangan ng mga tupa ay ang presensya ng Shepherd. Mahina man o malakas nagbibigay ito ng kapayapaan. Ang mga mababang loob ay itinataas ng Dios ngunit ang malalakas ay dinidisiplina Nya. Ezekiel 34:15-16

15. Ang malalakas na Kristiano sa presensya ng Dios ay mauunawaan nila na dapat silang magpakumbaba. Ang mga mahihinang Kristiano sa presensya ng Dios, ay payapa sapagkat ang Dios ang nagbibigay sa kanila ng kalakasan. Kung kasama ng tupa lagi ang Shepherd, saka lang ito napapahiga

Maraming salamat sa pagbabasa po uli.

maging pagpapala nawa ito sa inyo spiritually

3
$ 0.00
Avatar for Inahad
Written by
4 years ago

Comments