How I started playing the violin

0 10
Avatar for Imviolinist
3 years ago

Taglish nalang po medyo hirap ako magstraight sa English soooo. Eto na...

So nong 11 years old grade 5 ako pinaenroll ako ng mga tita ko sa music school para mag aral ng violin then naghanap sila ng maayos na teacher para sa'kin, so ang nangyari dapat talaga piano yong aaralin ko kasi yon ang gusto ng tita ko pero sabi naman nong teacher ko mukang okay yong mga daliri niya, pwede siyang magviolin. So pinagsabay ko yong piano tyaka violin..

Ang nangyari e mas nainlove ako sa violin tapos syempre tuloy tuloy yong lessons ko sa teacher ko dati tapos nong wala na siyang maituro sakin kasi pang beginner lang yong kaya niyang ituro sakin, naghanap na naman ulit sila ng ibang teacher na mas mahusay magturo tyaka magplay ng violin, so nong nakahanap na sila ng teacher tinuloy tuloy ko yong lessons ko hanggang sa medyo gumagaling na ako, tapos pagdating ng college (summarize nalang po)

Pinag aral ako ng music sa St. Paul University Manila tapos 1 year lang nag stop na ako kasi naadik ako sa DOTA tyaka League Of Legends pero matataas yong mga grades ko sa music nong nag aaral pa ako. So nag stop ako, hindi na ako pinag aral ulit kasi ang mahal ng tuition fee 76k per sem. Dati yun ha. Ewan ko lang ngayon baka lagpas 100k na isang semester dun. Haha. So ayun na nga, nagstop ako pinauwi ako ng probinsiya (hindi ko pwede sabihin probinsiya ko joke)

Habang tumatagal kahit nag stop ako sa pag aaral nagpapractice pa din ako kahit wala na akong teacher. So ngayon kahit nagstop ako sa music, nagamit ko pa rin yong talent ko so may mga nakasama na din ako mga sikat na banda. Mga OC Records si Unique Salonga, Kean Cipriano sa Callalily, Tawag Ng Tanghalan naman si Rachel Gabreza at Ken Frazer at iba pang mga umakyat sa stage. Deserve naman nila kasi magaling sila. Nakasama ko na din mga Indie Artist si Jana Garcia at iba pang mga signed na artist sa Music Industry.

Tapos ngayon may mga kabanda na ako nagsisimula pa lang kami pero ang mga ka line up namin Momscake at SIAKOL. Siguro naman alam niyo SIAKOL diba legendary na yang mga yan sa Music Industry. May kanta kami sa Youtube, kung gusto niyo pakinggan search niyo lang "Sana Maisip Mo - Seatmates Official" nagsign kami ng contract sa MMC Records PH. Tapos ngayon inaayos na nila yong kanta namin ilalagay sa Spotify and hindi ko lang sure kung ilalagay din sa mga iba't ibang platforms sa social media. Abangan niyo po yong kanta namin ang title po ay "Sa Aking Tabi". I'll let you know guys kung narelease na yong song namin sana po suportahan niyo po kami at suportahan po natin ang OPM.

Balang araw makikilala niyo din ako. Stay safe everyone. God bless 😊 -Violinist

0
$ 0.00
Avatar for Imviolinist
3 years ago

Comments