Signs na "Hindi Kana mahal ng mahal mo".

1 88
Avatar for Iamice
Written by
4 years ago

Kapag ang tao, nawalan na ng “pagmamahal” sa’yo, ay hindi pagmamahal ang tawag dyan. Siguro mahal ka pa rin niya, pero wala na yung dating pagmamahal na andun yung pagtitiwala, yung saya, yung bonding. Yung mga tipong ganung bagay? Mararamdaman mo naman talaga yun kung nanlalamig na siya sa’yo.


Wala na siyang oras para sa’yo. Mas nilalaan niya ‘to sa mga walang kakwenta-kwentang bagay, o di kaya mas pinipili niyang bigyang oras yung mga kaibigan niya. Bigyan mo ng wallclock, magbakasakali ka.

Ayaw pag-usapan ang relasyon niyo. Yung kapag tatanungin mo siya kung may problema ba kayo, ang sagot niya ay puro wala kahit meron naman. Ayaw niya nang maayos.

Kapag wala na siyang pake sa mga bagay na ginagawa mo. Okay lang kahit hindi ka kumain ng matino, okay lang kahit gumawa ka ng mga katangahan, dahil wala na siyang pake.

Pinapatayan ka ng cellphone. Hindi nagrereply sa texts. Tapos kapag magkasama na kayo, ang daming excuses. Ibig sabihin lang nyan ay ayaw ka niyang makausap.

ANG LAMIG LAMIG NA NIYA. DAIG PA KALANSAY.

Gaya ng sabi ko, mararamdaman mo naman talaga yun dahil hindi na kayo gaya ng dati. Kung tutuusin, kaya lang nararamdaman ng isang tao na hindi ka na niya mahal ay dahil sa sandamakmak na dahilan. Gaya na lang ng puro away — nasasaktan niyo ang isa’t-isa. Syempre kung paulit-ulit nangyayari yun, nawawala dun unti-unti ang pagtitiwala at pati na rin yung attachment niyo sa isa’t-isa; na parang ramdam mo “nawawala” o “nababawasan” na yung pagmamahal niya/mo na nagsasanhi dyan na ilan sa mga signs kung bakit hindi ka na mahal ng mahal mo. ‘Di nawawala, nauubos o bigla bigla na lang nasisira ang pagmamahal. Sadyang yung mga kumplikasyon lang ang sumira sa relasyon niyo para masabing hindi ka na niya mahal/mo na siya mahal.

1
$ 0.00

Comments

Sa palagay ko mula nanaman ito sa inyong karanasan. Hehe! 😅

$ 0.00
4 years ago