Hearing

0 6

"Tama ka na sa kasinungalingan mo! Tingin mo maniniwala ako sayo?!"

Yumuko ako napapikit. Hindi ko pa nararanasang maging akusado sa isang hearing ngunit may alam akong pakiramdam na mas malala pa roon: ang masermunan. Lahat ng ginawa mong gawaing bahay sa loob ng isang linggo, lahat ng talino at achievements mo sa paaralan ay mawawalan ng silbi dahil lang sa isang pagkakamali. Ang simpleng pag-uwi nang late. Idiniin ko ang pagpikit at hiniling na sana ay may sumigaw ng,

"Order in the Court!" Ngunit aking naalala, walang sisigaw, walang abogadong dedepensa.

Sa bahay na ito, si mama ang judge ay ang lahat ng sasabihin niya ay tama.

0
$ 0.00

Comments