Halaman

0 4

"Good morning Alice! Good morning din Pat, ikaw Camille, kumusta ang tulog mo?" Bati ko sa aking mga halaman.

Oo, may pangalan ang bawat halaman ko.

"Mare, tignan mo iyong si Al--"

"Hinaan mo iyang boses mo at baka marinig ka. Isa isang nagsimatayan ang mga kaibigan n'yan at kada isang bangkay na matatagpuan, kulang ng isang daliri! Sige ka, baka tayo ang isunod."

"Ano ka ba Mare, pano tayo susunod? Eh hindi naman tayo kaibigan n'yan."

"'Mare, 'di mo sure. Tara na nga! Kinikilabutan ako!"

Ang hindi alam nina Aling Marites at Marie, naririnig ko sila. Tama nga naman si Aling Marites, paano ko sila isusunod eh hindi ko naman sila kaibigan.

At isa pa, masyadong panget ang mga daliri nila para sa magaganda kong halaman.

0
$ 0.00

Comments