Gantimpala

0 18
Lahat Ng mga Sacrifices at paghihirap will paid of in the right time

Anu nga ba Ang gantimpala?

Lahat Ng Tayo ay ito Ang nais, Ang makatangap Ng gantimpala, kung gagantimpalaan walang aayaw at bagkos naguunahan at nag aagawan sa gantimpalang iyon, ngunit bakit ba,? Anu ba talaga Ang kahalagahan Ng gantimpala?

Well para sa akin Ang gantimpala ay may dalawang uri, Panlabas na gantimpala at.Pansariling gantimpala,

1.Panlabas na gantimpala

Ay yaong nakikita Ng mga tao Ang gantimpalang iyon kung saan alam nila na pinaghihirapan mo Ng ilang taon,or buwan, dugo, pawis at Oras Ang pinuhunan mo,Yun bang binigay mi na lahat upang makamit at makuha mo Ang isang bagay na inaasam mo,

Graduation

Maraming nagsasabi na mataas na Ang puno at huli na Ang lahat para makamit ko Ang gantimpalang ito, sa kadahilanang may asawat anak na Ako Bago nag aral, at sa edad na 35 taong gulang, ngunit Hindi Ako nag Padala at nakinig sa mga negatibong salita na Nasa paligid ko, bagkos ginawa ko itong dahilan upang mas pursigidong makatapos para ipakita sa kanila na Hindi nila hawak Ang kinabukasan ko, kundi Ako MISMO kasama ni Lord Ang gagawa nito para sa akin,at para mapatunayan Kong Mali Sila at Kaya Kong baguhin at makuha Ang gantimpalang nais ko, at sa wakas naka graduate din Ako sa edad na 37, Hindi pa huli Ang lahat diba,

Board passer

Tuloy tuloy Ang gantimpala Kasi naipasa agad Ang MLE sa kabila Ng mga pagsubok sa buhay dulot Ng kahirapan at dumagdag pa SI Covid, November 2021

Isang na namang gantimpala Kasi dalawang buwan pagkatapos Ng Midwifery board examination, nag apply agad sa DOH at swerte Kasi natanga agad,at kasalukuyang nag aalay Ng serbisyo publiko sa aming Lugar,

Extra income

Bukod sa sahod gumagawa parin Ng paraan upang nakakuha ngnibang gantimpa, para makaahon din sa kahirapan sa buhay,pero sempre kailangan din Ng sipag at tiyaga Bago makuha Ang lahat Ng mga nais sa buhay, salamat Kay noise Kasi Mula 2021 Isa siya sa mga tumulong sa akin sa financial, Sana din dito sa Kapatid niyang SI read cash ma discovered ko Ang Isa ko pang talento at Sana pagpalain din Ako dito,

2.Pansariling gantimpala

Iyon Yung nagmamatured ka as a person, Yun bang kahit Ikaw Hindi mo maisip Minsan na nakaya mo Pala Ang mga bagay na dati Hindi mo Kayang Gawin.

P.S.

Sponsors of Honeyloves
empty
empty
empty

Maraming salamat sa pagbasa sa aking gawa, Hindi ganun ka Ganda Ang pagkakagawa ngunit umaasa akong magustihan ninyo at makapagbigay Ng inspiration Lalo na sa mga kabataang tumigil sa pag aaral, Hindi pa huli Ang lahat.

1
$ 0.00
Sponsors of Honeyloves
empty
empty
empty

Comments