One Shot Story: Once Is Enough

2 22
Avatar for HoneyGrace
3 years ago

Hi guys! I'm Maria Ignacia Ann De Guzman, you can call me Mia. 18 taong gulang at kasalukuyang nag-aaral ng kolehiyo sa kursong BS Accountancy. Ito ang unang taon ko. Nahinto kasi ako ng 2 years dahil sa isang aksidente. Nandito ako ngayon sa mall kasama ang mga kaibigan ko. Dahil free kami ngayong araw, manonood kami sa sine at meron din akong bibilhing mga libro pagkatapos. Bagong lipat nga lang pala ako sa lugar na ito pero may mga kaibigan na ako. Syempre! Friendly ako eh. Nagulat ako nang may umaakay sa akin na lalaki. Wala akong kaibigang lalaki pero parang familiar sya. Nakita ko na siguro sya somewhere. Hindi ko sya kilala pero kung makaakbay, feeling nya close kami.

"Hi, babe!" Sabi ng lalaki.

Aba! At tinawag pa akong babe?! Tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko.

"Hindi kita kilala." Sabi ko. "At wag mo kong matawag tawag na babe!"

Kita kong nagulat sya sa sinabi ko. Pero binalewala ko yon at umalis na ko sa harap nya at nagpunta na kami ng mga kaibigan ko sa sinehan.

Fastforward ...

Nasa bahay na ako ngayon. Kakauwi lang pagkatapos mamili ng mga librong kailangan ko. Naalala ko ang lalaking umakbay sa akin kanina. Iniisip ko kung saan ko sya nakita habang inililibot ko ang mga mata ko. Huminto ang mga mata ko sa isang box na nasa ibabaw ng cabinet. Hindi ko matandaan kung para saan or kung anong nakalagay doon. Kinuha ko yon at binuksan. Unang tumambad sa akin ang isang litrato ng lalaki at babaeng abot tenga ang ngiti. Nakaakbay, ang babae sa lalaki habang ang isang kamay ng lalaki ay nakakapit sa bewang ng babae. Nagtataka ako dahil ang babae ay ako at ang lalaki ay yung lalaki sa mall.

Fastforward ...

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa litratong nakita ko. Kaya heto inaantok ako. Nakaidlip nga ako kanina sa History. Nagising na lang ako nung mag ring yung bell at sa ingay na rin ng mga irregular students na papasok at papalabas para sa next subject nila. Pero kaming mga regular dito lang kami at hihintayin ang next professor namin. Lumingon ako sa katabi ko at sya na naman ang nakita ko.

"Ikaw na naman?!" medyo malakas kong tanong.

"Hi classmate! Oh hindi na babe yun ah! Carlos Valencio nga pala!" Sabi nya sabay lahad ng palad niya sa akin para makipagkamay. Tinapik ko lang ang kamay nya.

Akalain nyo yun? Classmate ko pala to?

"Kung gusto mo malaman kung bakit kita tinawag na babe kahapon, mag-usap tayo mamayang breaktime sa cafeteria." Sabi nya bago pa dumating ang sunod naming professor.

Fastforward ...

Nandito na kami ngayon sa cafeteria ng mga kaibigan ko at kumakain nang biglang nakiupo si Carlos sa table na gamit namin.

"So ready ka na malaman?" tanong nyo.

"Let's hear it." Sagot ko.

"Boyfriend mo ko. Nagkakilala tayo dahil magkaklase tayo nung 4th year highschool 6 months pa lang tayong magkasintahan at kaka- graduate lang natin nang bigla kang nawala. Lahat ng message ko, hindi mo nireplyan o binasa man lang. Ang huling sabi mo ay pupunta ka sa bahay pero hindi ka naman dumating. Sobrang nahirapan ako nung nawala ka. Pero pinilit ko ang sarili kong makalimot. Pinilit kong maka move-on sayo. Ang tagal din bago ko natanggap na hindi ka na babalik. Tapos kahapon akala ko namamalik mata ako pero hindi. Ikaw pala talaga yon. Kaya nga inakbayan kita. Sobrang miss na kita Mia." Mahabang kwento nya.

"Sorry. Hindi kita naaalala, Nasangkot kasi ako sa isang aksidente sa kalsada kaya may mga hindi ako maalala." Tugon ko.

"Mia, sana pumayag kang ipagpatuloy natin ang relasyon natin. O kung gusto mo, liligawan ulit kita." Sabi nya.

"Papayag ako sa huli mong sinabi. Kailangan muna kitang kilalanin. Dahil nga nakalimutan ko na." Sagot ko sa kanya.

"Ayos lang yon, Mia. walang kaso sa akin yon. Ang mahalaga, binigyan mo ko ng pagkakataon." Tugon niya.

Fastforward ...

Lumipas ang ilang linggo, nakikita ko naman na seryoso sya sa akin. Sobrang maalaga sa akin at sa pamilya namin. Kaya napagdesisyonan ko na sagutin sya sa araw na ito. Mamayang gabi ay susunduin nya ako para sa naka-schedule na dinner date namin. Doon ko sya sasagutin ng oo. Sa ngayon, magbu-beauty rest muna ako.

Fastforward ...

Nagising ako sa isang hindi magandang panaginip. Ang araw na naaksidente ako. Yung mismong pangyayari kung saan nabangga ako ng isang kotse na mabilis ang takbo. Sobrang sakit ng ulo ko ngayon at nahihilo ako. Tinignan ko ang orasan, 3PM pa lang. Huli kong natandaan ay tinawagan ko ang doctor ko bago ako mawalan ng malay.

Fastforward ...

Nagising ako na puro puti na ang paligid pati ang suot ko. Naalala ko nasa hospital nga pala ako ngayon dahil sa nahimatay ako kanina. Naalala ko na ang lahat ngayon. Lahat ng nangyari bago ako maaksidente. Si Carlos, ang lalaking sasagutin ko sana mamaya sa dinner date namin, ang dahilan kung bakit ako naaksidente.

Nag-message ako sa kaniya na pupunta ako sa bahay nila pero di ko inaasahan ang nakita ko nang papaliko na ako sa kanto ng street nila. May kahalikan siyang ibang babae doon mismo sa tapat ng pinto nila. Hindi na ako tumuloy at tinahak ko ang daan pauwi sa amin habang umiiyak. Malapit na ako sa amin nang mabangga ako ng isang rumaragasang kotse. Naikuwento sa akin ng magulang ko na mabuti raw at hindi ako tinakbuhan ng driver at agad-agad din niya akong sinugod sa pinakamalapit na hospital. Sinabi rin nila na hindi kinaya ng mga hospital sa Pilipinas na isalba ako kaya kinailangan pa nilang ilipat ako sa hospital sa States.

Ngayon, malinaw na ang lahat sa akin. Buo na ang isip ko na kalimutan sya. Tama na ang nasaktan ako ng isang beses. Tama na ang isang aksidente na sya ang dahilan. Tama na ang isang pagkakataon. Hindi na ulit. Hindi na pwedeng maulit.

Fastforward ...

Kumakain na kami ngayon sa isang restaurant kung saan nagpa-reserve si Carlos. Matapos naming kumain, inayos nya ang sarili nya at ganun din ako.

"Mia, salamat at pumayag ka sa dinner date na ito. Gusto ko rin malaman mo na mahal na mahal kita. Mia, will you be my girlfriend?Again?" Mahabang litanya niya.

"Carlos, naaalala ko na ang lahat. Kung bakit hindi ako nakarating nung sinabi kong pupunta ako sa inyo 2 years ago. Ang dahilan ng pagkaaksidente ko." tugon ko habang pinipigilan ang luha. "Carlos, ikaw yon! Nakita kitang may kahalikan sa tapat ng pinto nyo." Pagpapatuloy ko habang tumulo na nang tuluyan ang luha ko. "Napagpasyahan kong di na lang tumuloy non kasi nasaktan ako sa nakita ko. Carlos, yun din ang araw na naaksidente ako. Dahil sayo yun, Carlos! Hindi ka naging tapat sa akin! Hindi ako naging sapat sayo! Ayoko nang maulit yon kaya I'm sorry, Carlos but my answer is no."

Pagkatapos kong sabihin yon, ay tumayo ako at pumunta sa restroom. Doon ko ibinuhos ang lahat ng luha ko hanggang sa maubos. Bago ako lumabas ay inayos ko ang sarili ko. Nilingon ko ang table na inuupuan ko kanina pero malinis na iyon. Ibinalik ko ang tuon sa pintuan papalabas ng restaurant. Bago ako makalabas ay napansin ko ang anino ng isang lalaking tumatawid sa kalsada. Nakilala ko lang ang lalaki nang biglang may maliwanag na ilaw ang unti-unting tumama sa kanya at nakita ko rin kung paano sya tumalsik nang mabangga sya ng isang truck.

"Carlos!" paulit ulit na sigaw ko papalapit sa lugar ng aksidente habang unti-unting tumutulo ang luha ko. Pero hindi ako makalapit dahil hinarang ako ng isang nagpakilalang pulis na hindi nakauniporme.

Dumating ang ambulansya makalipas ang ilang minuto. Nang lumapit ang isang doktor, chinek nya ang pulso ni Carlos at sabay umiling. Inilibot ng doktor ang paningin at nakita nya ako na umiiyak

"Ikaw!" Turo sa akin ng doktor. "Ikaw ba ang kasama nya?"

Tumango lang ako bilang tugon at lumapit. Hinanda ko ang sarili sa anumang sasabihin nya.

"I'm sorry pero wala na sya." Sabi ng doktor.

Agad akong lumapit kay Carlos.

"Gumising ka Carlos!" Umiiyak kong yinugyog ang wala nang buhay na katawan ni Carlos.

Hindi ko matanggap. Sa isip ko, hinihiling kong isa lang itong panaginip. Oo nga at hindi ko sya binigyan ng isa pang pagkakataon na maging kasintahan ko pero hindi ko rin hiniling na mamatay sya.

Fastforward ...

3 days. 3 days naming pinaglamayan ang labi ni Corios, Kanina lang ay inilibing na sya. Ngayon, nandito na ako sa bahay namin.

"Nasa payapa ka nang lugar ngayon, Carlos. Sana makalimutan mo na ang lahat ng sakit at paghihirap na naranasan mo dito sa lupa. Salamat sa lahat, Carlos. Paalam." Sambit ko habang sinusunog ang mga bagay na bigay nya. Pati na rin ang mga litrato nya.

========END========

Thanks for reading this story! Feel free to give me some feedback! I would love to learn from you!

Disclaimer: All the images are for preference only. They're not mine.

2
$ 0.00
Avatar for HoneyGrace
3 years ago

Comments

Nice๐Ÿ˜

$ 0.00
3 years ago

Ok ba yung ending? ๐Ÿ˜‚

$ 0.00
3 years ago