Ate Mo Girl ang ginamit kong code name para sa kanya kasi ayaw niyang ilagay ko ang name nya. Ayaw nya ring ilagay ko ang picture nya. Nahihiya siguro sya.
Si Ate Mo Girl ay 32 taong gulang. Masayahin, masipag at positibo ang pananaw sa buhay. Kinakasama nya ngayon ang kuya ko, pangalawa sa aming magkakapatid. Nagkakilala sila sa isang sambahan ng mga Born Again. Ang kuya ko ay isang musician doon. May girlfriend pa noon si kuya pero di nagtagal naghiwalay din sila. Nang magkitang muli sila ni Ate Mo Girl, nagsimula na ang pag-iibigan nila. 13 years and counting na silang magkasintahan. Hindi sila mabiyayaan ng anak. Ito siguro ang dahilan...
October 2019, may nakapang bukol si Ate Mo Girl so kanyang dibdib kaya nagpa-checkup sya agad. Nagpa ultrasound sya sa dibdib para makita kung ano yun. Lumabas sa pagsusuri na isa itong sys. Pinatanggal nya agad iyon at sinabi ng doktor na susuriin nila ang sys kung ito ba ay cancerous. Malalaman ang resulta sa susunod na buwan.
November 2019, lumabas ang result ng checkup. Mayroon syang breast cancer stage 2 ayon sa doktor. Simula noon, under observation na sya. Kampante pa kami noon dahil stage 2, may pag-asa pang mawala.
December 2019, bumalik sya sa doktor dahil may bagong findings sa kanya. Laking gulat nya nang sabihin ng doktor na stage 4 na ang cancer nya.
January 2020, nagpaopera sya para tanggalin ang part na apektado ng cancer.
June 2020, nang tuluyan nang gumaling ang sugat ng operasyon, nagpupunta na sila ng kuya ko sa mga ahensya ng gobyerno para manghingi ng tulong pinansyal para sa chemotheraphy nya. Sa awa ng Diyos, tinulungan naman sya at nakapagsimula na sya ng unang cycle ng chemotherapy sa Philippine General Hospital
July 2020, ito ang buwan na dumating ang ate ko. Nagkwentuhan kami ng karanasan namin nung dumating ang covid-19, nagtawanan, nagplano sa buhay. Naisip namin i-video call sila Ate Mo Girl. Nakita namin na nasa PGH pala sila at kasalukuyang sinasalinan ng dugo si Ate Mo Girl. Nagulat ako sa laki ng ipinayat nya. Wala na syang buhok sa ulo at kilay. At doon na nga ikinuwento ni Ate Mo Girl ang mga nangyari sa kanya. Doon na kami nag-iyakan. Sino ba namang mag-aakala na magkakaroon sya nun. To be honest, para sa akin, pag sinabing cancer stage 4 ay wala nang pag-asa pang gumaling. Kaya sobrang hagulhol ko noon sa kakaiyak. Hindi lang ako pati ate at mama ko, pati na rin ang kuya ko na kasama nya. Pagkatapos ng video call na yun, nahirapan na akong makatulog. Kinabukasan, pinuntahan sila ng ate ko para bigyan ng encouragement.
After a week ng pag-isip kung paano namin matutulungan sila Ate Mo Girl, napagpasyahan naming gawan sya ng biography at i-post sa mga fund raising sites. Pero hindi kami nakalikom ng pera sa mga yon dahil ayaw ni Ate Mo Girl na i-post namin sa social media. Nirespeto namin ang desisyon nya pero kapalit noon, wala kaming maitulong sa kanilang pinansyal.
September 2020, natapos na nya ang first cycle sa chemotheraphy. Naghahanap na ulit sila ng tulong sa iba pang ahensya ng gobyerno at sa mga hospital. Nakakuha sila ng tulong sa isang hospital. Pero 1 cycle lang ang sinagot ng hospital at pagkatapos non ay kailangan na nya ng pambayad na 38,000PHP para sa susunod na cycle. Nang malaman namin yan, natutuliro na kami. Di namin alam kung saan kukunin ang ganung kalaking halaga. Pero may awa talaga ang Diyos. Nalaman ni Ate Mo Girl na dumating na pala sa Pilipinas ang Tita nya na nagtatrabaho noon sa Japan. May tampuhan sila noon pero dahil sa kalagayan ni Ate Mo Girl ay nagkaayos na sila.
Sa ngayon, Tita nya na ang sumasagot sa cost ng chemotheraphy nya. At syempre, tinutulungan din namin sila sa ibang gastusin lalo na sa pagkain. Dahil dapat masustansya lang ang kainin ni Ate Mo Girl. Pinasok na rin nya ang online business world dahil di na sya pwedeng magtrabaho. Nagbebenta sya ng mga pagkain at mga damit sa Facebook. Ibinigay nga namin sa kaniya yung mga damit na di na magkasya sa amin simula nang magsitabaan kami.
March 2021, bumubuti na ang lagay ni Ate Mo Girl. Nagkakaroon na ng laman kahit papaano at humahaba na ang buhok at may kilay na rin. Sinabi nila sa amin ang magandang balita na magpapakasal na sila ni kuya. After long 13 years. Hindi ko na tinanong kung kailan nag-propose si kuya kay Ate Mo Girl. Hindi rin ako makakadalo sa kasal nila dahil sa banta ng civid-19. 4 years old pa lang kasi anak ko. Ayokong i-risk. Kaya si mama lang ang pupunta.
Hiling ko lang na sana magpatuloy ang pagbuti ng kalagayan ni Ate Mo Girl. Palagi syang kasama sa mga prayer namin.
Sa relasyon nila, napatunayan ko na totoo ang true love. Sa hirap at ginhawa, magkasama sila. Pero syempre nalilihis din ng landas minsan. Ang mahalaga, nagpapatawad sila at sa huli pinili nila ang isa't isa.
Update: Hindi matutuloy ang wedding nila this month because of lockdown. But they will pursue it in the month of May or June.
Salamat sa pagbabasa!
Grabe rin yung pinagdaanan niya eh. Pero Good thing naging maayos na yung kalagayan niya ngayon nakakatuwa.