Isang bibliya na 1500 ang tanda ang natagpuan sa turkey
kung saan ang bibliyang ito ay pinag-aalala ng Vatican at
pamunuan nito sa kadahilanang tinanggal sa bibliya o
wala rito ang krusipiksyon ni Hesukristo. Kung sakaling
mapatunayan ngang totoo ang nilalaman ng nasabing
bibliya, maari nitong baguhin ang relihiyong nakilala
natin.
Sa kabilang banda, kung ang bibliyang ito man ay huwad
o peke nga, kung gayon ang lahat ay huwad din. Gusto ng
Vatican na makita ang bibliyang ito. Ayun sa mga
pagsusuri at sa Carbon dating tests, ang bibliyang ito nga
ay hindi bababa sa 1500 na taon kung saan nandito din
ang Gospel ni Barnabas.
Inilipat nga ang nasabing bibliya sa isang museum sa
Turkey.
Ayon sa Gospel ni Barnabas, na Gospel ng isa sa mga
disipulo ni Hesukristo, hindi totoo ang krusipiksyon ni
Hesukristo. Ayon dito, ang krusipkisyon ay hindi umano
tungkol kay Hesus kundi kay Judas at umakyat si Hesus
sa langit habang ito ay nabubuhay pa.
Sinasabi rin na si Hesus ay hindi anak ng Diyos kundi isa
lamang propeta na sinasalita ang mga salita ng Diyos.
Sa bibliyang ito, tinutukoy na impostor ay si Apostle Paul.
Ayon sa official statement, ang bibliya ay nakuha sa isang
grupo ng mga smugglers sa isang operasyon sa
Mediterranean region kung saan ang mga ito ay sangkot
sa mga ilegal na gawain. Sinasabing ang antigong
bibliyang ito ay nagkakahalaga ng $28 million.
Ang mga eksperto sa usaping pang relihiyon mula sa
Tehran ay sigurado na totoo ang Bibliya. Ang nilalaman
ng bibliya ay nakasulat ginto at sa Aramaic na linggwahe
na nakapaloob sa loob ng isang itim na leather. Noong
panahon ng konseho ng Nicea, pinaniniwalaan na ang
simbahang katoliko ay namili lamang ng mga gospel at
itinapon ang iba kaya hindi na ito nakikita sa mga regular
na bibliya at kasama nga sa mga gospel na naitapon ay
ang gospel ni Barnabas.
Ngunit ang Vatican ay higit na nag-aalala sa tungkol sa
antigong bibliya na ito na humingi sila ng Awtorisadong
pahintulot upang masuri nila ang nasabing bibliya.
Gayunpaman, anumang malaman at makita ng Vatican
tungkol sa bibliya ay paniguradong susuportahan ng mga
naniniwala rito habang ang mga Atheist at Agnostic ay
patuloy na tatanungin kung ito nga ba ay totoo.
Kung mapatunayan ngang totoo ang bibliya na to, ibig
sabihin, ang kinalakihan nating paniniwala ukol sa
kristyanismo ay hindi totoo. Kung hindi naman ito totoo,
maaring ang mga bibliya ding kinagisnan natin ay
maaring kasinungalingan lang din.
0
25