No Words Just Hug
Sa pangambang nararamdaman
Sa mga oras na hindi na alam ang gagawn
Litong lito sa kung anong dapat na gawin, unahin at isipin
Isip ng isip
Hindi mapalagay ang isip
Patuloy na tumatakbo ang mga 'what ifs'
Nanakit na ang ulo, problema ay hindi pa rin masulosyunan
Sa mga problemang na hindi malaman kung ano nga ba ang talaga ang totoong problema
Ang buong paligid ay umiikot,
Unting unti nang dumidilim
Wala nang masilyan kundi takot at pangamba
Sobrang bigat na ng nararamdaman
Lunod na lunod na, kaya pa bang umahon?
Puro na lang sakit ang naalala
Sakit sa pagkawala ng minamahal
Sakit sa pagkabigo
Sakit sa mga mapanghusgang tao
Awang awa sa sarili sa paulit-ulit na pagkabigo
Pagkalumbay sa lahat ng suliranin natatamo
Sa pagtama nito ay patuloy nagsisikip ang dibdib.
Pagbilis ng tibok ng puso.
Pagbilis ng paghinga
Panginginig ng katawan.
Dahil sa hindi mailabas na nararamdaman.
Sana oras na nararamdaman ito
Sana may isang yakap.
Isang mahigpit na yakap
Yakap ng taong may pag-aalala
Yakap na magkapagpapagaan sa kalooban
Isang yakap na nagbibigay ng maraming kahulugan
Yakap na magpapahinto sa lahat
Makakapagpakalma sa pusong hindi na magkumahog sa pagtibok
Makakapagpatigil sa kamay na patuloy na pumipiga sa puso
Makkapagpatigil sa pagtakbo ng mga 'what ifs' sa isip
Sa oras na hndi kayang sabihin ang nararamdaman tanging yakap ang magpapagaan
Sa oras ng kadiliman.
Sa Yakap Mo,
Yakap mo ang kailangan.