My Lutang Moments

0 24
Avatar for Herzy
Written by
2 years ago
Topics: Funny moments, Fun

Sa araw araw na nabubuhay tayo hindi ma iiwasan na malutang tayo pero minsan yung pagiging lutang ko nagiging araw araw na eh, hehehe.......

Some Of My Lutang Moments

Binasa yung suot na sapatos

Kainis kasi ang akala ko tsinelas yung suot ko kaya ayun takte naglakad ako nang basa yung loob ng sapatos ko...

Hinipan Yung Ice Cream

Ang saya saya.

Binuksan yung electric fan tapos 
magtatago sa kumot

hehehehe.......

Inaamoy yung tubig bago inumin

Baka kasi may lason yung tubig kaya ko inaamoy hehehe, ewan o talaga kung bakit minsan ginagawa ko yun. Pati ba naman sa tubig may trust issue ako.....

Umutang sa tindahan tapos ito akong 
si lutang nag hintay ng sukli

Isang oras ata bago ko na realize na utang yun teh utang........

Bumaba sa tricycle na hindi nag 
babayad tapos sabay sabing 
"Thank you manong" naka smile pa 
ako sabay alis.

Tapos yun tinawag ako ni manong.Huhuhu di pa pala ako nagbabayadddd.......Nakakahiya

Nagpakuha si mama nh charger sa 
taas tapos pag akyat ko natulog.

Tulog is Life

Naglalaba ako tapos di ko alam na 
sa lupa ko pala nilalagay yung 
nilalabhan ko

Ayun napagalitan ako ni mama at nilaban ko ulit, magaling self.....

Yung tapos ko ng nilabhan,nilagay ko 
ulit sa washing machine.... 

Akala ko kasi hindi pa nilalabhan takteeee..... Double gawain tuloy

Nagpaload ako, syempre hiningi no. ko 
tapos ako naman tong maraming inisip 
kaya ang sinagot ko ng "Bakit po?"

Self nagpapaload ka.......

Sumakay ako ng LRT pauwi na ako

Yung card ng LRT dapat ipapasok yun 
ang ginawa ko dinikit 
ko lang dinikit doon, naiinis pa 
nga ako eh bakit ayaw tapos yun 
yung sinabi nung ate nasa likod 
ko sakin na  
"Ipasok ninyo po sa loob"

gosh nakakahiyaaa......

Bumili ako tapos sabi ko sa tindera 
"pabili po bottle watter nga po 
yung tig15, Magkano po?"

Si ateng tindera napatawa na lang sa akin tapos ang dami ko pang kasabay na bumili pati sila napatawa......

Yung nag abot ako ng bayad pero 
tissue na ibigay ko

My gosh nasa likod ko lang yung driver tapos pagkakita ng driver ng bayad ko tingin agad siya sa akin huhuhuhu.... Nakakahiya pati yung mga pasahero nakatingin na sa akin..

Noong face to face classes pa toh, 
natulog ako ng tanghali tapos 
pagkagising ko ang akala ko umaga 
na kaya nagmadali 
akong mag ayos para pumasok

Mag uuniform na sana ako ng tinanong ako ni mama kung bakit daw ako nag uuniform, gosh hapon pa lang pala....

Nadala ko yung libro ng bunso 
kong kapatid kaysa sa libro ko 
na kailangan dalin 

huhuhu....

Nagtimpla ng kape at pagbukas ng 
kape tinapon sa basurahan yung 
lalagyan

Kala ko kasi naibuhos ko na hindi pa pala...

Tinusok yung ballpen sa 
buhok tapos maya maya hinanap at 
pinagbintangan yung mga kaklase ko

Muntikan ng mag wala kung hindi ako humawak sa ulo ko. Takte natawa na lang ako sa sarili ko

Iniwan ko yung bag sa school paguwi, 
Ako kasi huling umuwi dahil 
ako nagsasara ng room.

Nalala ko lang na di ko pala dala bag ko ng malapit na ako sa bahay..... Tapos pag balik ko doon sarado na yung gate, may assignment pa naman kami nun.

Binanlawan agad yung hinuhugasan 
at nilagay sa platuhan 
ng hindi pa sinasabuhan

Ayun tuloy hinugasan ko lahat ng nasa loob ng platuhan kasi di ko aam kung ano don yung malinis sa hindi huhuhuhu.........

Ang hirap maging lutang kasi pag narealize mo yung ginawa sa sobrang lutang talaga mapapasabi ka na lang na "Lupa kainin mona ako" at gugustuhin mo na lang mag laho sa kahihiyan, lalo na pag madaming nakakakitaaa.......

Kayo ba guys ano yung mga lutang moments ninyo?

Thank You For Reading and Don't Forget That

I LOVE YOU !!!

—Herzy—

3
$ 0.17
$ 0.17 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Herzy
empty
empty
empty
Avatar for Herzy
Written by
2 years ago
Topics: Funny moments, Fun

Comments