Nakarating na nga kami sa maynila binaba kami ng buz sa isang apartment na Hindi naman ganun kalumaan may tamang laki ito ng isang tao may pang dalawahan din dipende din siguro sa kukunin mo ang na assign sa aking kwarto ay pang dalawahan. Nalaman ko din sa dati kung professor na siyang nag hatid sa akin na may makakasama raw ako na isa ring scholar natuwa ako ng malaman ko yon.
At dinala na nga ako ng landlady sa kwarto na tutuluyan ko may bumungad sa aking isang magandang babae balingkinitan ang kanyang katawan, may malalantik na pilik at mahabang mga buhok maputi ang balat , agad siyang bumati sa akin hi ako nga pala si Sheila kumusta ka taga San Vicente ako probinsya yong sa amin ikaw taga saan ka naman maari ko bang malaman ang pangalan mo at inabot niya sa akin ang kanyang palad tinanggap ko naman ito ah ako nga pala si Kimberly taga probinsya din ako probinsya ng Cebu natutuwa ako sa kanya dahil kahit bago pa lang kami mag kita ay para bang kay tagal na naming mag kasama.
Pasok kana yan si Sheila nauna lang yan dumating sayo kahapon lang yan dumating Kaya medyo nakapag pahinga na .Si Sheila nalang mag kwento sayo ng mga bawal at Hindi pwedeng gawin dito sa apartment ko mag pakabait kayo hah Saad na bilin sa amin ng landlady na na pag alaman ko na siya pala si aling Linda mukha naman siyang mabait.
Kimberly saan kanga pala mag aaral ako kasi sa university of Santo Tomas Yong nakuha kung scholarship eh ah ganun ba ang alam ko don din ako mag aaral eh, So iisang school lang pala tayo tapus same apartment din ang saya naman may makakasama na ako palagi pag owi at pag papunta sa school, tuwang tuwa siya ng malaman niyang sa iisang Universidad lang kami mag aaral,nakapalagayan ko agad si Sheila ng loob mabait kasi talaga siya at mukhang palakaibigan.
Gabi na at oras na ng pag tulog namin bigla akong naluha at hindi pala yon nakalagpas sa paningin ni Sheila O bat ka umiiyak na mimiss mo ba agad ang iyong mga magulang ok lang yan iiyak mulang masasanay din siguro tayo, Oo Tama ka na mimiss ko sila ito kasi ang unang beses na Hindi ko sila kasama matulog mahal na mahal ko sila, ay talaga ba unang beses mo lang ito ako kasi Hindi lagi ako nakakagala at kung saan saan kami nag tatravel ng mga pinsan ko ok lang naman kanilang mama yon pero ayaw talaga nila ako mawalay sa kanila Kimberly ako lang talaga itong gustong may mapatunayan ayaw ko kasi na umasa sa kanila kahit pa sabihin ko na may mga trabaho sila at sabi pa nga ng iba na dapat raw Hindi na ako mag aral ng Koleheyo hawakan ko nalang daw ang negosyo ng mga magulang ko. Ayaw ko naman dumipende sa pinag hirapan ng magulang ko kaya nong nag top 1 ako sa school namin at nakakuha ng scholarship tinanggap ko na kahit ayaw ng mga magulang ko na Hindi ako umowi sa amin . Sinunod ko Yong gusto ko para may mapatunayan ako sa kanila, sumagot ako kay Sheila nag iisang anak ka lang din ba, ah oo tugon naman niya laki sa layaw kaya ngayon nag papaka independent ako, ah kaya pala mukhang Hindi ka galing sa mahirap na pamilya , ikaw nag iisang anak ka lang din ba tanong naman sa akin ni Sheila oo nag iisang anak lang ako mag kaiba tayo ng mundong kinalakhan kung ikaw lumaki sa marangyang pamumuhay ako naman ay namuhay sa isang mahirap pero masayang pamilya kami lang tatlo ng nanay at tatay ako madalas ay laging na sa bahay ang nanay at tatay ko laging na sa bukid Hindi ko rin naranasan Yong mga naranasan muna sa katunayan nga ngayon pa lang ako nakaluwas ng maynila ang ganda pala talaga dito Sheila sa lungsod ng maynila no. Ay oo naman Kimberly lalo na pag napuntahan mo ang Maga gandang pasyalan dito sa Gabi ang daming Maga gandang tanawin dito.talaga ba Sana makapunta din ako minsan isa manlang sa mga sinasabi mo.
Wag kang mag alala Kimberly pag sumahod ako Don sa napasukan kung trabaho kahapon sa isang restaurant eh papasyal kita pero mag promise ka muna sa akin ano naman yon Saad ko naman sa kanya basta mag promise ka , ok sige promise wag mong ipapaalam sa iba na galing ako sa marangyang pamilya ang pag kaka alam kasi ni aling Linda galing ako sa mahirap na pamilya baka kasi isisumbong niya ako sa magulang ko ang alam kasi nila Papa sa condominium ako tumutuloy eh. Ah ganun ba sige pangako wala akong pag sasabihan tayong dalawa lang nakaka alam sige salamat at bigla niya ako niyakap Kimberly pwede ba tayo maging mag kaibigan oo naman bakit Hindi, talaga ba salamat ngayon may kaibigan na ako pwede na rin kapatid. Pwede na ba tayo matulog Sheila ay oo naman sige tulog na tayo alam kong pagod ka din sa byahe ang layo pa ng binyahe mo sige good night sayo Sheila bukas nalang ulit tayo mag kwentohan.
Sa susunod po ulit na kabanata