Sinumpaang pangako

1 25
Avatar for Herline08
3 years ago

Ako si Kimberly bata palang ako ay namulat na ako sa mga gawaing bahay dahil nga sa mahirap lang kami ay yon lang ang nakikita kung paraan para matulungan sila. Ako ang gumagawa ng gawaing bahay nagluluto, nagwawalis, nag lalaba lahat ng gawaing bahay sa ginagawa kung yon ay nasisiyahan ang aking inay at itay ang trabaho nila ay sa bukid pag araw ng linggo pag wala akong pasok ay tumutulong din ako sa bukid, mag tanim ng kung ano ano gaya ng gulayin, mais at marami pang iba.

Nag iisang anak lang kasi ako naisip kasi ng tatay at nanay na mahirap ang buhay kaya Tama na raw na ako lang mag isa na anak nila mabait ang nanay at tatay Hindi talaga nila alintana ang hirap ng buhay. Lahat gagawin nila para sa akin sa katunayan nga ngayon mag tatapus na ako ng high school nag aalala sila para sa akin dahil kaylangan ko ng lumuwas ng probinsya sa may nila na kasi ako mag aaral Hindi kasi sanay ang nanay at tatay na malayo ako sa kanila. Kaya labis ang pag aalala nila.

Sumapit na nga ang aming pag tatapus ng high school at yon na rin ang huling pag sasama sama namin ng magulang ko kunting salo salo lang ang kaganapan sa bahay nag pansit si nanay at may tinapay juice tuwang tuwa si nanay at si tatay sa akin dahil nakuha ang unang may pinakamagandang grado at pati ako natuwa dahil mas mapapadali ang kursong gusto kung mapasukan dahil mataas ang grado ko. Gusto ko kasing kunin ang kursong pagiging guro natuwa din ako dahil may scholarship na nag hihintay sa akin sa Koleheyong papasukan ko sa maynila .

Araw nga ng linggo ay umalis na kami papuntang maynila naiiyak akong makita ang nanay at tatay ko na umiiyak at nalulungkot sa pag alis ko pero tinatagan ko dahil iniisip ko para sa kanila din naman yon lahat .

May part 2 pa po ang kwento ko

2
$ 0.05
$ 0.05 from @carisdaneym2

Comments

Ako madami akong kapatid hahaha Ang sipag naman tapos matalino pa. Wait ko part 2 neto

$ 0.00
3 years ago