Milagro

1 17
Avatar for Herline08
3 years ago

Way back noong mga panahong nasa tiyan palang ako ni mama dahil sa ang kinabubuhay nga namin ay ang pag niniyog nag kataon daw noon na nag lulukad sila mama at papa ako ay pangatlo sa aming pitong mag kakapatid , ngahatid daw noon si mama ng pag Kain kay papa sa lukaran kung tawagin dito sa amin sa probinsiya noon kasi puro lukad talaga yon bang niluluto talaga Yong niyog bago mo maibinta pag hatid ni mama ng pag Kain kay papa nakiusap si papa na maiwan muna si mama sa lukaran dahil mag lilipat lang si papa ng mga hayop ng Hindi inaasahang pangyayari mahuna na pala Yong pinag lulutuan ni papa na lukaran at nasunog Yong niluluto ni papa na niyog at nagkataon na nandoon si mama na buntis nga sa akin agad ni mamang sinalba Yong mga nakaya niyang abutin Hindi niya alintana ang init at usok basta masalba niya Yong pinag pagoran ni papa ng ilang linggo. May mga naisalba pero kalahati din ang nawala noon.

Noong araw ng April taong 1998 ako nga ay isinilang na ni mama dahil nga sa bukid kami nakatira hilot lang rin ang nag paanak kay mama nagulat raw ang mag hihilot pati na rin si mama dahil sa Hindi nga raw ako umiyak at kulay itim na rin ako noon ngunit dahil sa tulong na rin ng amang may likha at ng hilot Hindi ako tinigilang paluin ng hilot ni mama hanggang sa umiyak na nga ako, Ngunit Hindi lang Doon nag tatapus ang kalbaryo ni mama at papa na buhay nga ako ngunit mayroon naman akong asthma madaming pag Kain na pinag bawal sa akin halos linggo linggo din kami sa mga center pero thankful ako kasi kahit na ang hirap ng buhay namin ginapang nila mama na ma buhay ako 5 years old ako ng isa pang pag subok ang gumimbal sa amin Hindi lang pala asthma Yong sakit ko kundi may butas pa Yong puso ko, pero Hindi tumigil sila mama kakapagamot sa akin , sa tuwing sumusumpong Yong hika ko wala kaming nebulizer noon ang ginagawa lang ng mama ko nag iinit siya ng tubig tapus my buti don niya iniipon Yong usok na nag mumula don sa mainit na tubig at siyang lalanghapin ko para makahinga ako ng maayos ang layo ng bahay namin sa kalsada dalawang oras mo pang lalakarin eh kalimitan Yong hika ko sumosumpong Gabi Kaya hirap talaga na madala ako sa hospital sa murang edad ko diko na kalimutan noon ang mga sakripisyo sa akin ng mama at papa ko noong nag aaral ako ng day care si papa kahit nag tatanim yan ng mais ng mga araw na nag aaral ako sinusundo niya talaga ako karga niya ako palagi 12 kilo lang din ako noon day care pa ako subrang malnourish ko dahil na nga rin sa sakit ko ang school kasi ng day care sa amin ay dito talaga malapit sa kalsada Kaya mag titiis ka talaga mag lakad ng 2 hours para makarating ka, sa paaralan. At sa awa naman ng diyos nag edad ako ng 8 years old nawala Yong asthma ko.

Ngayon 22 years old na ako may dalawang anak sa awa ng diyos malusog ngunit noong nag anak ako sa panganay ko nag 50/50 din ako kasi bumalik Yong hika ko Hindi ako makahinga kaya kinailangan pa akong Dalhin sa ibang bayan para makabitan ng oxygen at ng sa ganun mailabas ko ng maayos ang bata. Hindi ko na din alam kung yon bang na kita noon na butas sa puso ko ay kung natakpan na ng mga gamot na inom ko Hindi na rin kasi kami nakapag pa check up pa mula noong gumaling ang asthma ko pero Hindi ako tumitigil mag dasal sa panginoon dahil kung sino man ang nakakaalam kung hanggang saan lang ang buhay ko alam kung siya lang yon thankful pa rin ako kasi naranasan kung maging masaya at mag karoon ng pamilyang Hindi ako sinukuan

3
$ 0.05
$ 0.05 from @josajona02
Avatar for Herline08
3 years ago

Comments

Nakaka proud ka naman po kasi napapalaki mo yung dalawa mong anak. Laban lang po at wag mawalan ng tiwala sa dyos ☺️

$ 0.00
3 years ago