Dito sa amin sa probinsiya ng Quezon simple lang ang aming buhay Hindi gaya ng buhay sa syodad dito sa amin kailangan matiyaga ka gaya nalang ng pag tatanim ng mais, gulayin, palay ,saging at iba pa. Pwede ka kasing mag tanim sa mga bakanteng lupa na Hindi naman nasasaka pwede kang makiusap sa nag mamay ari ng lupa sa probinsiya wala din naman gutom basta mag sipag kalang pangunahing kinabubuhay namin dito ang niyog binubuo at per kilo na siya na namang binibinta sa siyodad 5 pesos lang kilo nito halos wala rin tamang makakabili ka lang ng bigas at budget sa bahay pag na binta na Yong buo pag nag kataon pa na tenants kalang 40 60 ang Laban kung mag kataon kulang pa Yong kita mo sa pag bayad din sa OPA ng pag karga pababa sa pag susulitan mo ng buo minsan nga nauuna pa ang bali O utang.
Ganyan lang lagi ang buhay namin dito paikot ikot lang mahirap pero masaya pag wala kami pang bili ng pang ulam punta lang kami sa bukid hanap ng mga gulayin gaya ng langka may libreng pang ulam na kami niyan . Noong nag lock down subrang hirap namin dito kasi nag stop buying Yong mga produkto dito sa amin gaya na nga ng pag bili ng buo, uling at iba buti nalang nag kataon din noon na nag ani na ng palay sa karatig bayan namin at pwede daw mamulutan sa awa ng diyos pinapalagpas naman kami ng mga front liner kasi alam naman na ang pupuntahan namin ay ang siyang makakatostos sa pag Kain namin araw araw kami namumulot ng palay owi kami ng Gabi sa looban ng 3 weeks naka 100kilo ako noon ka Laban talaga Yong subrang init dagdagan pa ng unang sabak ko sa pamumolot ng palay nakakita agad ako ng cobra sa awa ng diyos Hindi ako na kita nong ahas. Andon Yong takot ko na baka makakita ako non at baka matuklaw ako ngunit nangibabaw sa akin ang gusto ko makuha ng palay na magiging bigas namin dahil nga wala kaming ibang pag kukunan nag babaon lang kami ng pag Kain noon wala ka halos masilungan subrang hapdi ng init sa aming mga Balat pero kinaya namin buti nalang mababait din ang may ari ng palayan harvester kasi ang gamit nila pag ani at Yong mga tapon noon yon ang pinupulot namin at iniipon bago ipabayo sa awa ng diyos nakaipon kami .
Mas masarap ma buhay ng simple lang kahit na hirap basta masaya at nag ka kasama at buo ang pamilya. Wala ng katumbas na Saya kapag mayroon ka noon araw araw may pag subok may problema basta wag lang tayo susuko lagi tayo manalangin na Kaya natin. Bumangon sa araw araw ang buhay namin dito sa probinsiya mahirap na masaya.
Taga probinsya din is me hehe skl. Tsaka maganda talaga kapag dito sa probinsya walang gulo, tsaka mas mahirap mabuhay doon sa mga syudad.