Happy birthday self!!! Kahit walang cake, Basta walang Saket. Kahit walang laman Ang wallet, Basta may laman Ang basket. Hindi mahalaga kung walang handang kakaning malagket, basta kailangan maging Masaya kahit ako ngayo'y Isang gipet. Pasasaan din ba at may Oras na magiging malupet. Maraming salamat una syempre Kay GOD, Pagkat palagi Siyang nariyan at palad Niya sa akin palagi ring nakaliyad. Salamat sa pamilya kong sa akin nagbibigay-pakiramdam paano ba minsan lumipad. Salamat sa mga tropa ko na sa akin nag-aalala kahit pa Ang iba ay patuwad-tuwad. Salamat din Kay noise.app dahil may mgabago at lumang mga kaibigang mapagbigay at lubos na bukas-palad. Nobyembre a-Sais, Bokday ko Ngayon. Gusto ko lang maging Masaya, payapa at maging mahinahon. Sa mga makakaalala, babati, salamat! uunahan ko na kayo Ngayon. Sa mga magbibigay regalo, hahaha. Nawa ibalik sa inyo Ng double Ng ating Maykapal Na Poon. November 6, 2022 first birthday Kay noise.app.
@HeartofJack06
Joined 26 October 2022 · 5 posts
I am a Scorpio.
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Araw Ng mga yumao Ginaganap tuwing Nobyembre a-uno. Ang iba nagpaupunta Ng sementeryo. Ang iba naman nagtitirik na lang ng kandila sa harap Ng pinto. Ginaganap ang araw na ito, Upang alalahanin Ang mahal sa Buhay na yumao. Mga alaalang babalikan na lang at di na maaring balikan ito. Masasayang sandali na Kasama ang minamahal nating mga tao. Araw na kung saan ay pagbabaliktanaw sa taong mahal mo. Nagtirik na ba kayo Ng mga kandila? O dumalaw sa huling hantungan na nakatadhana? Araw Ngayon sa kanila ay paggunita. Kaya dapat kahit isa atin man lang ito ay magawa. Nobyembre A-Uno.

Ilang araw na ring nagpahinga si haring araw. Mula simula nang si bagyong Paeng ay napabisita at napadalaw. Hanggang ngayon tanging malamlam na mga ulap pa rin ang natatanaw. Malungkot na damdamin sadyang sa amin ay tumutunaw. Silip na haring araw at magpasikat. Ang init mo sa amin ilatag mo at iunat. Upang maiwasan namin ang magkibit-balikat. At ganahan kaming lahat kumilos at magbanat. Haring araw sumilip ka na pakiusap Hiling Ng kapitbahay kong may labadang nakababad. Haring araw Sige na at Ikaw ay magpasiklab. Sambit ng Anak kong nais sa labas ay maglakad-lakad.
Pagbating panimula, Sa mga kaibigan noon at Ngayon sa kanila nagmumula. Isang masigabong pagbati na may dalang ngiti. Na mula sa mga labi na sa kanila ay namunutawi. Ilalatag nila sa iyo Ang mga salitang parang buhawi. Dulot ay ligaya at kiliti, Na nakakalimot sa Isang taong may dalang pighati. Maraming salamat sa mga pagbati ninyong pagbungad. Sa muling pagpasok mga kamay ninyong nakaliyad. Pasasalamat sa Inyo para bang lumilipad. Walang paglagyan Ang ligayang nalalasap.
Bagong panimula Bagong yugto na may saya at tuwa Na magdudulot nang may galak at gala Para sa buhay ng isang taong may nais makuha. Musta kayo mga kaibigan kong matagal na di ko nakita?