read.cash Log in
@HeartofJack06

Ilang araw na ring nagpahinga si haring araw. Mula simula nang si bagyong Paeng ay napabisita at napadalaw. Hanggang ngayon tanging malamlam na mga ulap pa rin ang natatanaw. Malungkot na damdamin sadyang sa amin ay tumutunaw. Silip na haring araw at magpasikat. Ang init mo sa amin ilatag mo at iunat. Upang maiwasan namin ang magkibit-balikat. At ganahan kaming lahat kumilos at magbanat. Haring araw sumilip ka na pakiusap Hiling Ng kapitbahay kong may labadang nakababad. Haring araw Sige na at Ikaw ay magpasiklab. Sambit ng Anak kong nais sa labas ay maglakad-lakad.

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.