Magandang araw po sa inyong lahat! Gusto ko lang sana ibahagi sa inyo ang kwento ng isang babaeng matagumay na sinoong ang hamon ng buhay..
May isang babaeng batang masayahin at puno ng pangarap sa buhay.sa edad na labing walo, nakita niya iyong hirap ng buhay nila.ang tatay at nanay niya ay magkatuwang sa pag titinda ng gulay. mayroon din siyang bunsong kapatid na lalaki, ang kanilang pamilya ay masaya, hindi niya nakita sa magulang iyong lungkot. kaya hindi niya nakita iyong dinaramdam ng kaniyang ina.pagkalipas ng tatlong taon , nawala ang kaniyang nanay sa sakit sa puso.kaya, iyong masayang pamilya nila napalitan ng lungkot.iyong dati nakikita niya iyong tatay niyang masigla at masayahin napalitan ng lungkot at laging nakatulala at lumuluha, ang kanilang pangkabuhayan ay bumagsak.pero hindi siya pinanghinaan ng loob, dahil sila nalang magkapatid ang natitira pang lakas ng tatay niya para magbago.kaya kahit mahirap dahil walang nag aasikaso saka nilang magkapatid.hindi naging hadlang sa magkapatid na hindi magpatuloy sa pag aaral, dahil iyong ay ipinangako nila sa nanay nila bago ito pumanaw.kaya, sinikap niyang makatapos ng elementerya. At makapag patuloy pa hanggang sekondarya.
Pagkalipas ng taon, muli ng bumalik iyong saya at masigla nilang tatay.at para sa panibago nilang pangkabubayan gumagawa ang tatay niya ng mga kakanin at inilalako nila ito. Para sa gastusin at pangtostos sa kanilang pag aaral.kaya tumutulong din sila sa tatay nila maglako.
Kaya, sa panibagong yugto ng buhay niya sa secondarya, ng aral siya ng mabuti para makatungtong siya ng kolehiyo.kaya, lagi siyang nagsisikap para mapasama sa mga top sa kanilang klase.kaya , noong nakatapos na siya ng sekondarya bilang pangalawa sa top.sinikap din niya na maging isang skolar sa kolehiyo.
Noong nasa kolehiyo na siya ah kumuha siya sa kursong guro.Kaya lang, noong nag aaral na siya sa kolehiyo.hindi niya alam na nadapuan na din ng sakit ang tatay niya.na stroke ang tatay hindi na makapagtrabho, dahil nasa lungsod siya ang bunso niyang kapatid ang nag aasikaso.para makapagpatuloy parn siya sa pag aaral ay nagtrabho siya sa isang fastfoodchain.naging working student siya para matustusan niya iyong pag aaral niya maktulong din siya sa kapatid at tatay niya.lumipas ang taon at nkatpos na siya ng kolehiyo, pero hindi naging madali para makapasok sa trabho.dahil sa dami pa ng gastusin at lumala pa ang karamdaman ng kanyang tatay.kaya ang ginagawa niya ay pumasok siya sa isang network company.doon nagsikap siya magtrabho at nagtiyaga siya.dahil sanay siya mag alok alok ng mga bagay bgay.kaya naging madali para sknya na mag alok nh isang produkto na napatunayan na.makalipas ang ilan taon nagustuhan niya sa isang networking dahil malaki na ang kita niya.sakatunayan naipapagamot na niya iyong tatay niya at mayroon na din silang sariling bahay at sasakyan.napatapos na din niya kapatid sa kursong nursing.at mayroon na din siyang asawa at tatlong anak.mayroon na din silang negosyo na mga kakanin at kapehan shop.
Ang buhay masaya at maganda, hindi nga lang madali tahakin ang tagumpay.magtiis at magtiyaga ka lang, pasasaan pa at ang pagsisiskap mo ay magbubunga din.walang mahirap at walang madali kung ang pasensya mo ay kasinghaba ng lubid ng saranggola.pero ang pinakamahalaga sa lahat ay iyong lumalang sa atin.ang diyos na lagi nariyan para gumabay.
Ayan po sana ay nakaputan sa inyo ng aral at maging inspirasyon sa atin.sa buhay natin nagyon ay lagi din ingatanan dahil sa maraming sakit na hindi maipaliwanag.
Ang ganda ng storya, kailangan talaga sa buhay maging matatag at matibay.anu pa man ang kalagayan natin.magsumikap lang at huwag kalimutan kasama natin ang god siya ang gabay sa atin.