Stereotype: Mga Matang Mapanghusga at Toxic Standard ng Reyalidad
Naisipan 'kong isama itong isa sa mga naging school work o pagsasanay namin sa Filipino pagkat aking napuna na hindi lamang ito tungkol sa aralin namin na "Paglalahad ng Sariling Opinyon: Pagsang-ayon at Pagsalungat" naka pokus kung hindi natatalakay 'din dito ang kultura o kinagisnang paniniwala natin lalo na sa ating nakikita.
Nabanggit sa aralin ang tungkol sa 'kakaiba', sa tingin ng iba, na relasyon ng dalawang nagiibigan. Nasasalamin dito ang pagkakaroon ng ilan sa atin ng toxic mentality at toxic culture, kasabay na 'rin ang pag i-stereotypes, ito yung paghuhusga o pagbibigay ng pagkakakilanlan sa isang bagay o tao sa tipikal na pananaw.
Halimbawa po ay iyong may nakasabay kang lalaki sa jeep, nakadamit polo pero kulay pink. Tapos ang agad na pumasok sa isip mo ay bakla na ang tao, iyon po ay pag i-stereotype.
At heto na nga po ang eksatong panuto sa aming naging pagsasanay, galing pa po ito mismo sa sofycopy na module na nakasave dito sa akin:
Ang mga susunod na pahayag at pangungusap po ay iyong katanungan at ang aking mga naging sagot na ipinasa na sa aking guro.
Ang unang naiisip ko ay;
Marahil nga na hindi maganda tingnan para sa iba ang sitwasyon nila ngunit wala akong nakikitang mali sa tatlong uri ng magkasintahang nabanggit sa itaas pagkat walang nabanggit sa bibliya na hindi maaaring magsama ang pangit at maganda, mahirap at mayaman, at ang may malaking agwat sa edad na magkasintahan.
Ang opinyon ko sa sitwasyon nila ay;
Naniniwala ako na walang mali o masama sa sitwasyon na nakatala sa itaas. Ang mali ay yaong mga taong may mga mata nga para makakita pero ginagamit nila para manghusga sa kapwa.
Ang sasabihin ko sa mga taong nanghuhusga ay;
Naway mabulag sila katulad ng ginawa ng Diyos kay Pablo, biro lang. Nais kong ipaalam sa inyo na hindi nararapat na manghusga tayo ng kapwa lalo na kung wala tayong alam o ideya sa pagsasama nila.
Tunay nga na hindi masama ang magbigay ng ating saloobin at laman ng ating isip ngunit hindi nararapat na sa pagbuka ng ating mga bibig purong panlalait ang ipaparinig natin sa ating kapwa na hindi natin gusto.
Naniniwala ako na nawawala ang ating kalayaan sa pagbibigay ng opinyon sa oras na tayo ay nakakasakit at nakakaabala na ng tao.
Ang ipapayo ko sa magkasintahan ay;
Dapat na hindi kayo papaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao. Nararapat lamang na maging masaya kayo sa inyong pagsasama lalo na kung wala naman kayong tinatapakang tao.
Sa palagay ko, ang mga taong mapanglait at mapanghusga ay pinanganak ng makikitid ang utak dahil sa gusto lamang nila makita kung ano ang sa tingin nilang tama at maganda.
Kung sakali man na sa tingin niyo na ang panghuhusga sainyo ay sobra na at hindi niyo na kaya, hindi dapat ito ang maging rason para kayo ay maghiwalay dahil para niyo na ring pinatalo ang inyong kasiyahan at pag-ibig sa mapanghusgang mga mata ng mga tao.
So that's it, that was my article all about. Thank you for reaching this far! Have a good day.
Sabi nga nila sa Eat Bulaga, "Bawal Judgmental". Na nararapat naman. Hindi natin alam ang pinagdaraanan ng bawa't isa. At di rin natin kilala ang lahat ng ating nakikita o nakakasalamuha. Mas mabuti pang sarilinin na lang natin ang ating opinyon lalo na kung ito ay makasasakit o makasasama lamang sa iba.