Before the year end. Nais ko lang ishare sa inyo ang mga kaganapan na nangyari sa aking pagbubuntis sa taong 2019.
Bago ang taong 2020, Octubre noong nakaraang taon ay nagdadalang tao pala ako at di ko alam na buntis na pala ako. Regular naman ang buwanang dalaw ko pero mga tatlong buwan na pero di parin ako dinadatnan. Yun pala buntis na pala ako at nalaman nalang namin gamit ang dalawang pregnancy test noong disyembre noong nakaraang taon at nagpakunsolta agad ako sa doktor kung ano ang mga dapat kung gawin dahil first time mom palang ako. At nagrecommend ang doktor na magpa ultrasound ako para malaman kung kailan ang due date ko. Pagkatapos namin nalaman ang due date ko. Sunod naming ipinaalam sa mga magulang ko ang aking pagbubuntis. At labis silang nagagalak at excited sa biyayang ipinagkaloob ng diyos. Todo ang alaga namin sa aking pagbubuntis kinakain ko ang mga masusustansyang mga pagkain.
Sa paglipas ng araw ay pumasok parin ako sa aking work bilang collector ng isang lending company. Medyo delikado dahil bumabyahe ako sa mga bayan para mangolekta ng mga pautang at nagtuloy tuloy ang pagtatrabaho ko hanggang marso sa kasalukuyang taon. At ang virus na hatid ng Covid 19 ay nadagdagan ang pag-aalala ko sa aking pagbubuntis.
Nitong marso ay naglockdown ang buong bansa dahil sa pagkalat ng covid 19 kaya natigil din ang trabaho. Kaya nakapagpahinga ako sa bahay habang ako'y buntis.
At itong july 04 ipinanganak ko ang isang napakagandang batang babae na biyaya ng diyos sa aming buhay.
Thank you for reading My Pregnancy Journey! I hope you like it!