"Undas" To update about undas, syempre eto ang aming ganap!! Dahil super ulan for the past days kanina lang naghabol makapaglinis kaya lang biglang bumuhus naman ang ulan so hindi parin natapos at na achive ang linis. Nagtake ako ng picture para documented na nag effort din ang gang na maglinis sana kasi panay ang utos ng papa ( bayaw ko) ng mga pamangkin ko na linisin ang puntod ng Mama ( ate ko) nila. At na achieve naman dahil nasend ko sa family gc at medyo natuwa naman ang papa nila na on board ngayun (barko). 3 years na rin ang lumipas mula nung mamataya ng ate ko ( 43 years old lang sya) at my 3 kids sya..Sa amin sila ngayun nakatira since ang papa nila ay seaman walang titingin sa kanila pag onboard sya.. masaya na magulo pero blessed kasi sama sama.
4 comments
Mabuti kahit papaano hindi na umulan at madami nandin nakapunta sa semeteryo kasi kanina umuulan pa
Kaya nga eh..buti napagbigyan din
Kabata namang nawala ng ate mo sis, mukhang mga bata pa ang mga Anak na Naiwan.
Oo sis,bata pa sya biglaan kasi.