Daming ganap ngayun parang dumoble yata ang oras ko sa loob ng 8hrs, feeling ko naging 16hrs na. Sa shop, daming deliveries naka 30 bags for 5 regular clients, so far the highest transactions all throughout since operation and praise God for it😇. Delivery ng corn cracker, may dumating na biglaang collection whooaahh!! Thanks God parin dahil nakabayad ng due balance. Kavideocall ang hubby from 9am - 4pm (everyday yan🤭) kung may tatalo jan, sige icomment lng. Pagclose ng shop, may hulihan sa labasan ng online sabong, super daming pulis, nakakatakot ang mga pormahan parang susulong sa gyera. Cash in nang pang loadwallet, hahaha..ngayun lng nakapost, kakaupo palang kasi.Sayo, anu ganap mo?
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Mga ganap ko today, uhm, walang ka vc. Ayun pagkagising ko timpla kape tapos dilig na sa mga halaman. Di ordinarying dilig kasi mga pananim na gulay at bulaklak sa loob ng 2000sq meter na lupa. Tapos linis sa loob at labas ng bahay. Tapos naligo then lumipat sa kabilang area. Nagdilig ulet ng mga pananim. Sana all nadidiligan. Hahaha! Afternoon, nagtanim naman ang pinakaabalahan. Busy din naman buong araw. Farmer na ako eh. Di tulad ng dati, nasa aircon room morning at gabi. Hehe
2000sq na lupa, sana all may taniman na ganyan ka lawak.maeejnoy ko rn yan kung sakali.mas masarap ang maging busy, nakakafulfill.